My paTWEETums
...sharing thoughts one pa-demure kembot at a time.
Saturday, February 22, 2014
Movie Review: ABNKKBSNPLAko?! The Movie
At this point, hindi na nakakagulat kung sakali mang may nabago, naalis, o nadagdag mula sa original source. Naalala ko tuloy noong ang daming nadismaya sa Twilight the movie. I spared myself from the disappointment dahil, hello, hindi naman movie material ang librong ABNKKBSNPLAko?! to begin with. Maraming idea ang mawawala sa hulog dahil magkaibang-magkaiba ang medium ng libro sa pelikula. So hindi na malaking issue sa akin ang parallelism. Keber na kung non-linear ang kwento sa movie, sa iyon ang gusto ng direktor, eh. Edi sige.
Tuesday, February 18, 2014
Balik sa Pagiging Bobong Pinoy
Ito ang ipinasa kong proposal kay Dr. Bien Lumbera para sa binabalok kong final paper sa subject na Pagbuo ng Pambansang Panitikan. Isang page lang naman, sabi niya.
FINAL PAPER PROPOSAL: SI BOB ONG BILANG BAHAGI NG KANON
Noong nakaraang taon ay ipinagdiwang ang ikalabindalawang taon ng ABNKKBSNPLAko?!, ang unang aklat ni Bob Ong. Naglabas ang Visprint ng 12th anniversary edition ng libro bilang commemoration. Ngayong taon ginawa itong pelikula starring Jericho Rosales and Andi Eigenmann.
Ang lakas maka-Harry Potter—o sige, maka-Ligo Na U, Lapit Na Me na lang. Bakit nga ba naman lalayo pa gayong hitik na hitik ang Philippine cinema sa adaptasyon ng mga libro. Mula sa nobelang Sa Mga Kuko Ng Liwanag ni Edgardo Reyes, hanggang sa mga komiks na Darna at Captain Berbel ni Mars Ravelo, mahihinuhang malaki ang ambag ng panitikang popular sa sining at sa lipunan.
Sunday, May 12, 2013
Yup. By Kuya with the Backpack
The pila at Trinoma terminal is so cray-cray during weekends. Parang pila ng palugaw sa Quiapo. Kapag waley kang social skills, sorry na lang, hindi ka makakapila sa estasyon mo dahil extra challenge talaga sa gulo.
Anyhow, etong si kuya with the backpack eh ang lakas maka-good samaritan sa mga literal na naliligaw ang landas. Kahit pila ng iba, mega turo pa rin siya. Tour guide ang peg--uh, no, mas peg niya ang information sa Trinoma. Saan po ang Starbucks? (Lol. Sa tabi lang ng information yun eh. Haha. Shunga. Poser.)
Keri naman si kuya. Inabutan ko siyang umeestima sa isang pasahero. Taray. Umeestima. Bisita lang. So ride the waves na ako.
"Anek na Pilar Pilapil itiz?"

Saturday, April 27, 2013
Mga Bahagi ng Tahanan
Ito ang kalakip na essay ng final project na ipinasa ko sa subject ko kay Sir Vlad.
Nagsimulang mabuo ang konsepto ng aking final project para sa subject na MP215 noong napansin kong ginagawa ang katapat na bahay. Higit sa imahe ng mga hubad na karpintero, ang talagang kumuha ng aking atensyon ay ang pinakakaisipang pinalalaki na nila ang kanilang tahanan. Siguro’y lumalaki na ang pamilya, o lumalaki na ang kita dahil mga nagsipagtrabaho na rin naman ang mga kababatang dati’y kalaro lamang ng patintero, kaya’t naisipang palagyan ng taas ang dating bunggalong may katulad na plano ng bahay namin at ng mga kahilera nito.

Thursday, March 28, 2013
The UP Vibe
A conversation with Ava, an officemate:
Ako: Graduate ka na ba?
Ava: Oo.
Ako: Ah talaga? Bakit sabi ni Ceejay classmates daw kayo? (Graduating pa lang si Ceejay.)
Ava: Ah. Shiftee kasi siya.
Ako: Ano bang course mo?
Ava: Public Administration.
Ako: Taray. Tatakbo ka na ba?
Ava: Hindi. Kinuha ko lang yon kasi walang math. Haha!
Ako: Alam ko yan! Ano'ng year ka ba graduate?
Ava: 2009.
Ako: True? 2009 din ako graduate!
Ava: Weh? Ano ba student number mo?
Ako: 2012. Haha.
Ava: Ay ganon? Akala ko UP ka nag-undergrad.
Ako: Hindi. Sa UP lang ako nag-e-MA. Sa CEU-Malolos ako. Ako ay proud probinsyano!
Ava: Akala ko talaga UP ka. Yung vibe mo kasi eh.
Vibe? This made me think. What is the UP vibe? Is it the messy hair? The glasses? The shorts? The gayness? The probinsyano air? Really, I wonder.

Sunday, February 24, 2013
Para sa Aking Bebe Kamote
Workshop para sa love poetry sa subject namin kay Sir Eugene. Wala akong love life, at never pa akong nagka-love life. So paano ko aatakihin 'to? Oh, Lord. Ano pa nga ba, edi mag-iimbento.
Mga dapat tandaan, sort of criteria for judging:
1. Pwedeng freeverse.
2. Huwag nang gumamit ng mga palasak na imahe gaya ng buwan, bituin, dagat, pag-ibig, mahal, at mga salitang ginagamit na noon pang 1930's.
3. In connection to number 2, gumamit ng mga makabago/modernong imahe.
Para sa Aking Bebe Kamote
Leodevino G. Lopez

Wednesday, February 20, 2013
Minsan, sa Isang Fanpage ng Pamprobinsyang Beauty Pageant
Workshop piece ko para sa subject ni Sir Vlad. Revised na ito, pero yung form lang naman ang binago ko. Yung content, ganung ganon pa rin. Bukod sa wala akong time (read: tinamad ako. hayz.), feeling ko parang hindi ko na siya kayang i-improve, dahil yun na yon eh. Whatever. Nagdadahilan pa ako.
Pwedeng basahin niyo muna ang akda bago basahin ang nasa ibaba.
Anyhow. Ang instruction ay magsulat ng isang non-linear na kwento.
Heto ang link para mabasa niyo: Minsan, sa Isang Fanpage ng Pamprobinsyang Beauty Pageant
--Hindi kasi pwedeng mag-upload ng file dito sa blogger. Pictures and videos lang ang keri.
Pwedeng basahin niyo muna ang akda bago basahin ang nasa ibaba.
Thursday, January 31, 2013
Liebster Award Kemerut
Ang Liebster Award chenelyn kamatis ay ibinibigay daw sa mga bloggers na may kulang sa 200 na followers para ma-realize nilang malungkot ang buhay nila. Salamat kay Ate Cess sa pag-alala sa akin kahit hindi na kami officemates. You're the best, 'te. :D
The rules:
Share 11 facts about yourself.
Answer the awarder’s 11 questions.
Ask 11 questions of your own.
Nominate 11 bloggers.
The rules:
Share 11 facts about yourself.
Answer the awarder’s 11 questions.
Ask 11 questions of your own.
Nominate 11 bloggers.
Sunday, January 6, 2013
Takipsilim
Si Edward kasi eh, parang hindi totoo. Ang perfect masyado, parang tanga. Hahaha. I should make up my mind.
I'm just a few pages away from finishing the first book of the Twilight series. After that, kailangan ko namang basahin yung Filipino-translated version entitled Takipsilim. Yes, may Filipino translation nga ang Twilight, published by--sino pa ba--Precious Hearts Romances.
Oo na, the novel is so two thousand and five pa at sobrang huli na ako sa uso kung nagpapaka-join the fad man ako. But no. Requirement ko kasi ito sa subject na Fil280: Mga Pagsasalin sa Pilipinas. As a final paper, bibigyan ko ng pagsusuri ang ginawang salin sa Filipino ng nobelang Twilight. Kaya for a few weeks eh magiging dabarkads ko muna sina Bella at Edward na masarap kaltukan at pinapa-realize sa akin na wala akong lovelife at maglaslas na lang ako ng pulso.

Saturday, January 5, 2013
Velvety Shampoo
You see, my hair used to be so buhaghag and all. No, really. Chaka talaga siya. Pero after using Velvety for 3 days, sobrang napansin ko yung difference.
Nag-text ang GMA officemate kong si Gra para humingi ng favor. Kailangan daw niya ng 50-seconder TV commercial sa isang subject nila sa grad school. She's taking up MA in Psychology. Titingnan daw nila through the commercial iyong behavioral implications of advertisements to the consumers.
Sabi niya, si Erich daw ang kukuhanin niyang model. Erich is also a GMA officemate na bakla man sa inyong paningin, Amy Austria pa ring maituturing.
Anyway, hindi na ako gumawa ng audio-video script. Yung mga spoken lines na lang ng model ang sinulat ko. Si Gra na bahala kung paano ang treatment na bet niya. Ayun. Here we go.

Subscribe to:
Posts (Atom)