Anyhow, etong si kuya with the backpack eh ang lakas maka-good samaritan sa mga literal na naliligaw ang landas. Kahit pila ng iba, mega turo pa rin siya. Tour guide ang peg--uh, no, mas peg niya ang information sa Trinoma. Saan po ang Starbucks? (Lol. Sa tabi lang ng information yun eh. Haha. Shunga. Poser.)
Keri naman si kuya. Inabutan ko siyang umeestima sa isang pasahero. Taray. Umeestima. Bisita lang. So ride the waves na ako.
"Anek na Pilar Pilapil itiz?"
Joke lang. Ang tinanong ko talaga, "Ano'ng pila 'to?"
Sagot naman siya ng "Sto. Nino po."
Yahoo. Nahanap din. "Dulo na ba ito?" tanong ko. Mahirap na. Ayokong ma-stampede ng utaw na taeng-tae nang makauwi. Saka para more usap with kuya.
"Yup." 'eka.
Yup daw? Hahaha. Lakas maka-teeny bopper. Yup daw. Yup na oral. Hahaha. #Probinsyanoako
Wala naman. Na-shock lang ako. Hindi lang ako sanay na niyu-yup ng mga taong hindi ko naman close (kahit gusto ko siyang i-close). Wierd ba?
Kasi mas kumportable pa akong masagot ng yes, o oo, o yez pfoe, o plangak! o plunging neckline! o plangganang butas na butas pwede nang hoola-hoop!
Pero yung yup? Haha. Ambabaw ko.
Baka ganun lang talaga siya, at kasama sa lifestyle niya ang sumagot ng yup at nagkataon lang na hindi kami magka-lifestyle.
Laki ng problema ko, 'no?
Here's kuya with the backpack fixing his, uh, backpack. Ate before me playing candy crush on her tab. |
Here's kuya with the backpack wiping the sweat off of his forehead and fixing his hair. Ate still playing candy crush on her tab. |
Here's kuya with the backpack fixing his--omg what is he fixing? Charot. Baka nagpupunas lang ng katawan. Bakit ba, mainit eh. Ate still playing candy crush on her tab. |
Here's kuya checking the status of the pila. Apparently, gumalaw na ulet. Ate got tired of playing on her tab. Omg. Nanawa na siya't lahat, nakapila pa rin kami. Anubaaaaa. |
Here's kuya with the backpack checking his phone. Kukunin na ba niya ang number ko? Ate moved to the right kasi tinulak ko. Epal eh. Haha. Joke lang. |
Here's kuya with the backpack smiling while looking at his phone. Sinong ka-text mo?? Ate not on the screen anymore. I killed her na. LOL. Huy super biro lang ha. |
After a few minutes, nakasakay na kami. There was an opportunity to sit beside kuya with the backpack, pero hindi na. I decided mas gusto kong makababa nang matiwasay kaysa bumaba nang may black eye. O ha. It rhymes! At may dalawang nang na mahaba!
___
Kahit matagal ang pila, hindi ako nainip. I wrote this whole blog entry while in line.
Hahahaha! Tawang-tawa ako sa post na 'to. Tanggal inip ang pagbblog habang nakapila. Paso sa banga!
ReplyDelete