Tuesday, February 18, 2014
Balik sa Pagiging Bobong Pinoy
Ito ang ipinasa kong proposal kay Dr. Bien Lumbera para sa binabalok kong final paper sa subject na Pagbuo ng Pambansang Panitikan. Isang page lang naman, sabi niya.
FINAL PAPER PROPOSAL: SI BOB ONG BILANG BAHAGI NG KANON
Noong nakaraang taon ay ipinagdiwang ang ikalabindalawang taon ng ABNKKBSNPLAko?!, ang unang aklat ni Bob Ong. Naglabas ang Visprint ng 12th anniversary edition ng libro bilang commemoration. Ngayong taon ginawa itong pelikula starring Jericho Rosales and Andi Eigenmann.
Ang lakas maka-Harry Potter—o sige, maka-Ligo Na U, Lapit Na Me na lang. Bakit nga ba naman lalayo pa gayong hitik na hitik ang Philippine cinema sa adaptasyon ng mga libro. Mula sa nobelang Sa Mga Kuko Ng Liwanag ni Edgardo Reyes, hanggang sa mga komiks na Darna at Captain Berbel ni Mars Ravelo, mahihinuhang malaki ang ambag ng panitikang popular sa sining at sa lipunan.
Higit sa isa’t kalahating milyong kopyang nabenta. Higit limang daang libong likes sa official Facebook page. Higit walumpung libong Twitter followers. Siyam na libro. Masasabing popular na talaga si Bob Ong matapos ang kanyang labing-apat na taong karera bilang manunulat. Subalit halos wala—kundi man talagang wala—siyang presensya sa akademya na nagtatakda sa mga akdang maituturing na karapat-dapat mapabilang sa kanon ng pambansang panitikan.
Sa UP Diliman halimbawa, may subject ngang popular na anyong pampanitikan, hindi naman pinabasa ang alinman sa mga gawa Bob Ong. May argumentong nagsasabing ang mga akda niya ay hindi literatura. Ano ba ang literatura? Mahirap i-make sense ang ganitong sitwasyon dahil hindi naman nagsisinungaling ang mga numero. It’s high time na pansinin at kilalanin na nang husto ang maituturing na big elephant in the room of Philippine literature.
---
Sabi ni Joseph, kasama ko sa trabaho, "Tinaglish mo si Sir Lumbera?!"
Sabi ko, "Oo."
---
Happy new year. Grabe. Isang taon akong nawala. Sorry.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment