Saturday, February 22, 2014
Movie Review: ABNKKBSNPLAko?! The Movie
At this point, hindi na nakakagulat kung sakali mang may nabago, naalis, o nadagdag mula sa original source. Naalala ko tuloy noong ang daming nadismaya sa Twilight the movie. I spared myself from the disappointment dahil, hello, hindi naman movie material ang librong ABNKKBSNPLAko?! to begin with. Maraming idea ang mawawala sa hulog dahil magkaibang-magkaiba ang medium ng libro sa pelikula. So hindi na malaking issue sa akin ang parallelism. Keber na kung non-linear ang kwento sa movie, sa iyon ang gusto ng direktor, eh. Edi sige.
Nakakakilabot ang opening ng pelikula. Nakakakilabot in a good way, kasi...omg... naririnig mong nire-recite ni Jericho ang excerpt ng libro. Malaking bahagdan ng pelikula ay voice over, na bumagay naman considering na ang pinanggalingang materyal ay isang autobiography na mas marami ang insights over narration.
Bet ko yung effects ng mga sulat na lumilitaw sa likod ni Roberto tuwing gumagawa siya ng liham, at nakakapagtakang kaya nilang gumawa ng ganoong ka-sophisticated na effects habang ang chaka ng effects during college hunting. Parang sitcom. Parang ginawa sa ibang post production house tapos tinahi na lang sa film a la frankenstein. Ang inconsistent lang.
Isang malaking question mark sa akin ang character ni Portia. Hindi ko alam kung kulang lang ba ako sa kaalamang pampanitikan or what pero hindi ko talaga alam kung paano siya babasahin. Walang character na Portia sa libro, meaning, sumulpot na lang siya sa pelikula. Childhood friends sila ni Roberto. Nagkaroon ng feelings itong si ate na ni-reject naman ni kuya. Kinabukasan, nagsalubong sila sa school. Sabi ni Portia, "Ikaw lang ang boy na mamahalin ko." True enough, si Roberto nga lang talaga ang boy ni minahal niya dahil natomboy na siya paglaki. Anong sense nun? Empowerment ba ito ng ibang sexual orientation? Pagpapakita ba ito na agresibo na ang mga babae kahit noon pang 80's?
Nabanggit na rin lang naman ang 80's, mapapansing hitik sa 80's reference ang adaptasyon. Hindi naman ito masyadong ini-stress sa libro. Issue sa akin ito ng kaunti dahil aminin na natin at si Bob Ong na rin naman ang nagsabi, kabataan ang karamihan sa kanyang audience. Panigurado, maraming hindi naka-relate sa pagsayaw nila ng You're On The Right Track ni Martin Nievera. Ang korni. Ang korni-korni sobra... O baka naman intended talaga yun na magmukhang korni bilang tinutuligsa niya ang formula ng pelikula sa Pilipinas sa libro niyang Lumayo Ka Nga Sa Akin.
Whatever they say, para sa akin isang commercial film pa rin ang adaptasyon. Maraming magagandang idea sa libro na pwede sanang isama pero pinili ng Viva na mag-focus sa love story. This is a marketing decision, I'm sure. As in super sure. Kaso hindi naman ako kinilig sa love story ni Roberto at Special Someone (Isa pang malaking question mark sa akin ito. Bakit pinili nilang hindi pangalanan si Special Someone?). Hindi kilig kundi inis ang naramdaman ko dahil manggagamit si Special Someone at tanga si Roberto. Sa kabilang banda, kung iyon talaga ang goal, good job sila diyan. Ang pagkaka-cast pa lang kay Andi eigenmann ay nakakainis na.
Natapos ang pelikula sa akmang paghahalikan nina Roberto at Special Someone. Naunang mag-fade out bago maglapat ang mga labi nila. Credits roll. Duration: 1 hour and 30 minutes.
WTH. Yun na??
Korek. Yun na yun. Sayang diba? Kung sana eh binanggit sa pelikula ang mga issue tungkol sa student-book ratio, bakit 10% lang ang character sa grading system, sahod ng guro, mga ideang umiikot sa literacy, konsepto ng talino, pagkatuto at natutunan...marami sanang pwedeng mapag-usapan paglabas ng sinehan. After all, ang ABNKKBSNPLAko?! ay mga kwentong chalk. It is not an effin love story. Ano beh.
Pag-uwi ko sa bahay, binasa ko ulit ang libro. Sa tingin ko, pwedeng hatiin sa dalawang bahagi ang akda: una, coming of age (habang nag-aaral); pangalawa, buhay guro (pagkatapos mag-aral).
Wrong decision ang pagganap nina Jericho Rosales and friends bilang highschool at college students. Hindi tuloy authentic. Hindi maramdaman yung coming of age. Sana naghanap na lang sila ng mga totoong estudyante sa highschool at college, nakatipid pa sila ng talent fee.
Hindi rin nabigyan ng pokus ang kanyang buhay guro. Ang napakaganda pa naman ng sinabi sa libro na "A teacher affects eternity. Naging mag-aaral ni Socrates si Plato. Tinuruan ni Plato si Aristotle. Naging mag-aaral naman ni Aristotle si Alexander the Great na naging hari ng Macedonia at tinaguriang isa sa mga pinakamagaling na heneral sa kasaysayan ng mundo. Makalipas ang higit dalawang libong taon, sino ang makapagsasabing tumigil na ang impluwensiya ni Socrates?"
Hindi ko gets kung bakit pinili ng Viva ang ABNKKBSNPLAko?! na gawan ng adaptasyon gayong may iba namang mas akmang makita sa big screen gaya ng Macarthur o kaya Kapitan Sino. Ano ba ang aim ng kumpanya? Revenue? Pagpapataas ng antas ng pelikulang Pilipino? Paki-explain, please, dahil litung-lito na talaga ako.
Sabi ni Bob Ong sa Stainless Longganisa, "Ayokong magpadala sa mga pwersang humihila sa akin sa mga direksyong hindi ko naman pinangarap." Makes you wonder kung pinangarap ba niya ang ganitong pelikula.
---
Sabi ng kuya ko, very faithful daw ang LOTR the movie sa libro. As in kung ano yung nasa libro, yun ang makikita sa pelikula.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
"Maraming magagandang idea sa libro na pwede sanang isama pero pinili ng Viva na mag-focus sa love story. This is a marketing decision, I'm sure. As in super sure."
ReplyDeleteDEFINITELY I AGREE WITH THIS!
I think yan din ang problema pagdating sa movie adaptations e. Parang maganda yung libro, pero pumanbgit nung sinalin sa pinilakang tabing. At pano ang mga pangit na libro? Sad to say, 'mas pumangit.' (well, not meant for generalization though)
Understandable naman kasi kung hindi kamukhang kamukha ng pelikula yung libro, kaso iba ang "different" sa "pangit." Itong ABNKKBSNPLAko?! ay, uh, pangit. At least, para sa akin. At para sayo. At para sa marami paaaaa. Hahaha.
DeleteSalamat, slickmaster!