Workshop para sa love poetry sa subject namin kay Sir Eugene. Wala akong love life, at never pa akong nagka-love life. So paano ko aatakihin 'to? Oh, Lord. Ano pa nga ba, edi mag-iimbento.
Mga dapat tandaan, sort of criteria for judging:
1. Pwedeng freeverse.
2. Huwag nang gumamit ng mga palasak na imahe gaya ng buwan, bituin, dagat, pag-ibig, mahal, at mga salitang ginagamit na noon pang 1930's.
3. In connection to number 2, gumamit ng mga makabago/modernong imahe.
Para sa Aking Bebe Kamote
Leodevino G. Lopez
I
Salamat sa tsokolate
Noong Valentine's Day
Nag-leave pa sa office
Kahit ni work, no pay
Salamat sa pagsundo
Noong naholdap sa Ortigas
Buti't naitago ang cellphone
At unli ay hindi pa expired
Salamat sa spaghetti
Noong ako ay nag-twenty-one
Kahit medyo napaasim
Okey lang, luto mo naman
II
Salamat sa panyo
Noong ngumunguyngoy
Sa payong
Habang humahagupit ang habagat
Sa limang pisong
Pang-videoke
Sa maluwag na t-shirt
Noong nag-overnight
Sa halik
Na dumadampi
Sa aking noo
Habang tulog pa
Sa mga susunod
Pang simpleng
Sorpresang
Sasalubungin
III
Bulaklak
Alarm clock
Wall clock
Picture frame
Birthday cake
Engagement ring
Wedding ring
Trip to Paris
Flat iron
Electric fan
Water dispenser
LPG
Salapi
Sandali
Paminsang luha
Malapad na ngiti
IV
Gamit ang tuka
Susubukang
Suklian
Sa pagsasabi
Nang pabulong
Sa taingang
Malakas ang
Kiliti
Salaginto
Salagubang
Salakot
Salamin
Salamat.
---
Ang kaklase kong si Ali ang naatasang mag-facilitate ng workshop ko. Eto ang kanyang mga komento:
1. Pinakamalakas na bahagi ang unang parte; kongkreto ang mga imaheng ginamit.
2. Naging blurred ang mga imahe sa mga sumunod na saknong lalung-lalo na ang part III.
3. Sa tingin ko'y hindi na kailangan ang part IV.
4. Walang sipa ang huling saknong.
5. Anong imaheng gustong iparating hinggil sa pag-ibig? Ito ba'y pagbibilang ng mga naibigay na regalo? (Higit na tinutukoy niya ang III. Nagmistula raw kasing enumeration na lang ng mga gamit.)
6. Nalilimitahan ang audience dahil sa titulo--why not address it to the general public? :)
7. Suggestion, mag-cite pa ng mga kongkreto/specific na pangyayari na nagpatingkad ng inyong pag-ibig sa isa't isa.
8. Maging consistent.
Heto naman ang karagdagang komento mula sa iba:
Mula kay Ate Mae Ann:
1. Hindi na kailangang sabihin pa na magpapasalamat gamit ang tula, dahil iyon na nga ang ginagawa. Show, don't tell.
2. May meaning ba ang paggamit ng kamote sa pamagat? May ibig sabihin kasi ang kamote sa panitikan.
Mula kay Sir Eugene:
1. Mag-isip pa ng mas epektibong sipa sa huling saknong.
2. Mag-enumerate ng mga kakaibang karanasang pwedeng ipagpasalamat.
3. Gawin itong list poetry.
4. Ang matitira lang sa buong akda ay tatlong imahe: ang pagkaholdap sa ortigas, ang spaghetti, at ang limang pisong pang-videoke. The rest, pwede nang alisin.
Mula kay Abby:
1. Kinukwestyon niya ang kinalaman ng mga salitang salaginto, salagubang, salakot, at salamin bago ang salitang salamat. Nag-isip lang ba ng mga salitang nagsisimula sa "sal-"?
No comments:
Post a Comment