Anyhow. Ang instruction ay magsulat ng isang non-linear na kwento.
Heto ang link para mabasa niyo: Minsan, sa Isang Fanpage ng Pamprobinsyang Beauty Pageant
--Hindi kasi pwedeng mag-upload ng file dito sa blogger. Pictures and videos lang ang keri.
Pwedeng basahin niyo muna ang akda bago basahin ang nasa ibaba.
Mula kay Ate Bebang:
- Naalala raw niya sa pagbasa ng akda ang Linambay, isang ancient theater form sa Cebu. Sobrang daming nangyayari nang sabay-sabay, at lahat ng iyon, gaano man kababaw o kalayo sa pinakapaksa, ay bahagi na rin ng kabuuan ng kwento.
- Sana raw ang mga sponsors ay kasabay na umusad ng kwento. Naiwan daw kasi o naging stagnant ang mga advertisements. Sana raw ay kasama sa pagiging non-linear ng kwento.
- All along, akala niya ay gay pageant ang ginanap. Na-amaze pa siya sa idea na lahat talaga gagawin ng bakla--kahit magpalagay ng boobs--alang-alang sa korona.
- Nagtataka lang siya na ang setting ay 2014. May kahulugan ba ito? Ang daloy ng oras ay paatras ngunit hindi pa nangyayari.
Mula kay Sam:
- Kumbaga sa play, ang mga advertisements daw sa palagay niya ay siyang soliloquy ng akda. Soliloquy?? What the f? Hahaha. Google-google din pag may time.
- Hindi raw na-maximize ang paggamit sa mga advertisements.
- I-improve pa ang pagkakaiba-iba ng personalidad ng mga tauhan. Feeling niya halos lahat ng karakter ay bakla. Sorry na. Haha.
Mula kay Cris:
- Sana mas natutukan o na-incorporate ang mga advertisements sa akda.
- Medyo malabo ang pagiging non-linear dahil kung pagbabasehan ang ginamit na form (FB fan page), lumalabas na linear pa rin ito dahil paatras lang ang timeline.
- Mungkahing maglagay ng mga lumang post na na-bump dahil may bagong comments dahil ganoon naman talaga sa FB.
Mula kay Sir Vlad:
- Sana naglagay ng pictures para mas FB ang feel. Para sa kanya, mas malapit sa form, mas maganda.
- Ang parteng jejemon ay halatang scripted o hindi natural.
- Baka pwedeng i-explore pa ang pagka-awkward ng mga biglang comments na off-topic. Halimbawa, biglang magko-comment ang nanay ng kandidata na ang ganda ng anak niya kahit ang layo ng usapan.
Mula kay Jason:
- Parang ang mga bansag sa bayan ang naging pinaka-unifying thread ng akda. (Unifying thread?? Lalim! Ahihi)
Mula kay Ate Ellen:
- Nagbabanggit na rin lang naman ng mga bayan sa Bulacan, sana'y ginamit na rin ito upang ipakilala ang magagandang katangian ng mga bayang ito. Note: Nabanggit sa talakayan ang pelikulang Don't Give Up On Us starring Piolo and Juday bilang peg sa kahusayang ipakilala ang mga lugar sa Pilipinas kahit love story ang tema ng pelikula.
Heto ang maikli kong speech pagkatapos ng workshop:
Tungkol sa 2014. Ayoko lang makasuhan ng libel dahil kung halimbawang ang gamitin ko ay 2008, baka may magreklamo na hindi naman ganoon ang totoong nangyari noong 2008.
Tungkol sa pagkabakla ng mga tauhan. Ang beauty pageant kasi ay mundo ng mga bakla. Isang lugar ito kung saan hindi sila nadi-discriminate at empowered sila kaya sa mga post nila ay hindi sila nahihiyang maglabas ng opinyon o maglandi.
Tungkol sa halos pagkakapare-pareho ng personalidad ng mga tauhan. Guilty ako. Sorry. Haha. Paano ba naman, mayroong 80+ characters ang akda, na lahat ay galing sa akin. Ako lang ang nagsulat. Ibig sabihin, hinati ko ang sarili ko by 80+ kaya magkakaroon talaga ng pagkakapare-pareho.
Dagdag pa, ang kwento naman kasi ay hindi character-centric. Culture ng beauty pageant ang nais ipakita sa kwento at maaaring ipagpalagay na sa sobrang daming mga karakter, lumalabas na insignificant na sila at ang focus ay nandoon na lamang talaga sa identity ng lugar as a whole.
Tungkol sa pormal na pagkekwento versus pagiging tapat sa form ng FB fanpage. Sinabi kong sa palagay ko, bilang kwentista ay dapat obligasyon kong maging grammatically correct sa pagsusulat. Hindi ko talaga maa-adapt nang buong-buo ang form dahil may mga batas sa pagsusulat na hindi ko kako kayang baliin pa sa ngayon, at marahil nga ay bound pa ako doon.
Tungkol sa pagpasok ng turismo sa akda. Hindi ko kasi layunin na pabanguhin ang imahe ng mga bayan sa Bulacan. Nagbanggit lang ako ng mga bagay na nakakatuwa at nakakatawa na mapapasabi ng "oo nga" ang mga mambabasa.
Tungkol sa pagiging non-linear ng kwento. Sinabi kong ang pagkakaunawa ko sa non-linear base mga naunang diskusyon ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa audience na mamili ng katotohanan base sa sariling pagtataya. Inimagine ko na ang mambabasa ay inihulog sa isang pagkakataong maraming nangyayari nang sabay-sabay, at bahala na siya kung saang kwento siya magiging interesado, at siyempre, kung maniniwala rin ba siyang nandaya nga si Fernet.
Bilang pagtatapos, inirekomenda ni Sir Vlad ang akdang Reunion na mababasa dito:
Pagkatapos, nanlumo ako. Parang dapat nilukot ko na lang yung gawa ko sa sobrang lapit ng Reunion sa form ng FB. Shet. May nakauna na pala. Ang ganda pa. Maglalaslas na lang ako. Lol. Laslas agad.
___
Gusto kong magpasalamat kina Ding at Amhie sa pagbibigay ng mga pangalan ng tauhan. Lalo na kay Amhie. Wala akong inisip na pangalan ni isa.
No comments:
Post a Comment