Thursday, January 31, 2013

Liebster Award Kemerut

Ang Liebster Award chenelyn kamatis ay ibinibigay daw sa mga bloggers na may kulang sa 200 na followers para ma-realize nilang malungkot ang buhay nila. Salamat kay Ate Cess sa pag-alala sa akin kahit hindi na kami officemates. You're the best, 'te. :D


The rules: 

Share 11 facts about yourself.
Answer the awarder’s 11 questions.
Ask 11 questions of your own.
Nominate 11 bloggers.

Eleven Facts:

Gagayahin ko si Ate Cess na nangopya lang sa dati niyang blog entry at dadagdagan ko na lang (see 10 Random Things About Me) para maging eleven:


1. Kapag mas maputi ako sa isang tao, hindi siya maputi. Pero kung feeling niya maputi siya, edi sige.

2. I may not look like it, pero mahilig ako sa video games. Sobrang hilig. Super favorite ko ang Suikoden.

3. Anak ako ng retired general. No, hindi niya ako nilublob sa drum para tanungin kung ako ba si Dyesebel.

4. Kapag kumakain ako sa barbeque-han at maraming nagtitinda, bibili ako sa bawat tindahan, kahit inuuto lang nila ako na magkakaiba sila ng supplier.

5. Para patunayang meron akong childhood, kaya kong i-enumerate and mga bida ng Sailormoon. Dapat given na 'yon eh. Pero naging fan din ako ng Dragonball, Ghost Fighter, Zenki, at BT X. Kilala mo ba si Faula Fini?

6. Madalas akong mawalan ng gamit. Minsan pera. Pero hindi ako naninisi.

7. Parang ritwal na yata na kapag aalis ako ng bahay, babalik ako dahil meron akong nakalimutan. Pero 'pag masyado nang malayo, 'yaan mo na.

8. Mayroon akong malaki--as in malaking problema sa decision making. Oh, Lord.

9. Mahina ako sa direksyon at lagi akong nakakatulog sa byahe.

10. I am a frustrated book author, music instrumentalist, figure skater, rhythmic gymnast, flower arranger, fashion and interior designer. Sige, frustrated cook na rin. I can't stand the heat eh. Shet, para akong bakla.

11. Mayroon akong fascination sa theater. Nakikita kong isa o dalawang taon mula ngayon, papasukin kong karera ang teatro, kahit ang role ko lang ay isang puno. Ako ang magiging pinakakabog na puno--with glittery leaves and all that shit. Peg ko ang mga puno sa christmas lights show sa Ayala Triangle.



Mga Tanong ni Ate Cess:

1. Have you ever Googled yourself? Were you surprised at what you found? 
Eh oo. Hindi naman ako naloka. Madalas puro tungkol sa results ng Oct. 2009 LET.

2. Mind-reading, invisibility, or superhuman strength?
Bet ko ang mind-reading kung kaya kong kontrolin o piliin ang babasahin. Pero kung wala akong choice, hindi na ako makakapag-shopping sa divisoria forever. Ang lakas makaduwag ng invisibility. Ayoko rin ng superhuman strength dahil ayokong i-peg ang eksenang pagtatalik-slash-wasakan-ng-bahay nina Edward at Bella.

3. Which event in world history would you change, if you could?
Nakaka-mental block naman 'tong tanong na 'to. Pang-nerd. World history talaga, 'te? Sige. Siguro sana ang nakasakop na lang sa Pilipinas eh United Kingdom. Lahat kasi ng sinakop ng Spain puro mga 3rd world countries sa kasalukuyan. Eh di sana may accent din tayo ngayon magsalita if ever.

3. Who would play you in the movie version of your life?
Ganyan? Ulet yung number 3? Anyway, bakit naman isasapelikula ang buhay ko? Hmm. Siyempre dapat bakla. Na maganda. Na talented. Siguro si Chris Colfer.

4. What is your idea of heaven?
Ang langit ay isang lugar na walang lihim, at taglay ng bawat isa ang pag-ibig sa kapwa at walang hanggang kaalaman.

5. If you could commit a crime without incurring any liability whatsoever, what would it be and why?
Rape. Haha. Tigang? Hahahaha. Hmm. Ano ba. Siguro magnanakaw ako ng pera sa bangko. Bibili ako ng video games hanggang magsawa. Tapos kain sa mga di pa nakakainang restaurant. Simple lang.

6. If this is the question, what is the answer?
If you are a cactus, why? Ano ba, 'te. Joke ba 'to? Pang-intelektwal? Ano ba? Hahahaha. Siguro "what."

7. If you could be in a TV program (any genre) which would it be?
Glee!!

8. Did you ever play F.L.A.M.E.S. when you were younger?
Oo, pero hindi ko pangalan. Nagsimula akong i-flames ang pangalan ko at ng ibang tao nung college na. Yeah, late bloomer.

9. If you could take one memory to the after-life, what would it be and why?
Hindi ko pa masabi. Mabuti siguro na makalimutan ko na lang lahat, kasi unfair sa ibang ala-ala kung mabubura sila tapos may isang matitira.

10. Would you date someone who is 10 years younger/older than you?
Kung 10 years older than me, eh di 33 na 'yon. Pwede, pwede. Yung 10 years younger, 13?? Ano ba. Pag-aaralin ko ba muna??

11. What’s the last thing you thought of before you slept last night?
Sad. May manggang hinog na hinog, hindi pa man Mayo. Sobrang lungkot, in-unfriend ko na siya sa FB.


Eleven Questions Ko:

1. Kung may pagkakataon kang mabuhay nang 500 years, ano'ng gagawin mo? Maiinip ka ba? Tapos yung mga mahal mo sa buhay, isa-isang nauuna na. Ikaw, bagets pa rin.

2. Naniniwala ka bang first love never dies? Ano'ng problema ng first love at bakit hindi maalis-alis sa isang sulok ng puso?

3. Bakit may bakla? Bakit may LGBT community kahit sabi sa bible eh lalaki at babae lang ang nilikha ni God?

4. Takot ka ba sa gagamba? Yung ga-palad na nasa banyo tapos parang mechanical maglakad?

5. Kaya mo bang maligo nang hindi nag-iinit ng tubig? Ako kasi hindi eh.

6. Sa paanong paraan mo pupuksain (hindi ko masabing papatayin kasi patay na) ang isang zombie?

7. Ipakilala mo sa akin ang isang bestfriend mo at ipaliwanag kung paanong nag-trip ang universe at ginawa kayong mag-bestfriend?

8. Kung magpapalit ka ng relihiyon, ano at bakit? C'mon. Oo, loyal ka. Hypothetical lang naman, friend.

9. Agree ka ba sa feeling ko na mado-dominate tayo ng mga Koreano in a not-so-distant future at ang susunod na salinlahi ay magmumukhang mga singkamas? Bakit? Bakit hindi ka agree??? Hindi ka ba nakakahalata??!!

10. Mga kailan kaya makakaalpas ang Pilipinas sa pagiging 3rd world country? Darating kaya ang panahon na magiging international language ang Filipino?

11. Sakaling maglalabas ako ng libro ilang taon mula ngayon, bibili ka ba ng kopya at hindi mangangantiyaw na bigyan na lang kita dahil friends naman tayo?


Nino-nominate ko sina:

1. Ghe-ghe - Go, Sir!

2. Krystal - Mag-update ka naman ng blog, please.

3. Rima - Isa ka pa! Sayang ang creative juices.

4. Cheska - Emperador Light. Gawin mong light. Emo masyado entries mo eh. Hihi.

5. Windsor - Nangyare? Binura mo na naman ang blog mo?

6. Annizah - With an H. Lakas maka-seductive ng pangalan mo ha.

7. Ate Cess - Hahaha. Ikot lang. Sagutin mo na lang yung questions.

8. Gra - Alam ko na-nominate ka na ni Ate Cess. But what can I do? Wala akong friends gaano sa blogosphere.

___

Sorry na kung hindi ko napanindigan yung Chapter 2013. Hay. How ambitious of me.


2 comments:

  1. Sino si Faula Fini? Apir sa #9! Andami kong tawa sa #10 fact about yourself. Mga 568,957.
    Nasagot ko na sa wakas ang mga tanong mo. Hahaha.

    ReplyDelete
  2. Si Faula Fini ay character sa BT-X--kung nanood ka ng anime na ito. Ang BT niya ay isang phoenix. Blonde na mahaba ang kanyang buhok at tumutugtog siya ng violin.

    Salamat sa pagsagot sa mga tanong ko. Number 1 ka!!

    ReplyDelete