1. Kapag mas maputi ako sa isang tao, hindi siya maputi. Pero kung feeling niya maputi siya, edi sige.
2. I may not look like it, pero mahilig ako sa video games. Sobrang hilig. Super favorite ko ang Suikoden.
3. Anak ako ng retired general. No, hindi niya ako nilublob sa drum para tanungin kung ako ba si Dyesebel.
4. Kapag kumakain ako sa barbeque-han at maraming nagtitinda, bibili ako sa bawat tindahan, kahit inuuto lang nila ako na magkakaiba sila ng supplier.5. Para patunayang meron akong childhood, kaya kong i-enumerate and mga bida ng Sailormoon. Dapat given na 'yon eh. Pero naging fan din ako ng Dragonball, Ghost Fighter, Zenki, at BT X. Kilala mo ba si Faula Fini?
6. Madalas akong mawalan ng gamit. Minsan pera. Pero hindi ako naninisi.
7. Parang ritwal na yata na kapag aalis ako ng bahay, babalik ako dahil meron akong nakalimutan. Pero 'pag masyado nang malayo, 'yaan mo na.
8. Mayroon akong malaki--as in malaking problema sa decision making. Oh, Lord.
9. Mahina ako sa direksyon at lagi akong nakakatulog sa byahe.
10. I am a frustrated book author, music instrumentalist, figure skater, rhythmic gymnast, flower arranger, fashion and interior designer. Sige, frustrated cook na rin. I can't stand the heat eh. Shet, para akong bakla.
Hahaha. Aliw. :)
ReplyDelete