Tamang nasa GMA ako, pero hindi ko naman kasikuhan sila Gozon at Duavit. Ano ba.
This is a little kwento about being a Kapuso employee.
Hindi dahil receipient ako ng gold medal for leadership in co-curricular and extra-curricular activities. Hindi dahil best director ako sa dramafest at videofest. Hindi rin dahil sa sandamakmak na program and invitations na ginawa ko noon sa CEU. I got in because, oo na, I am a member of "it's-not-what-you-know-but-who-you-know-club." Yehey.
Classmate ko si Faye. Si Faye ang tunay na mahusay. Si Faye ang tunay na may malasakit. Si Faye ang may kakayahang gumawa ng sariling pangalan. Si Faye ang tumapos ng aking kahirapan. Iboboto ko talaga si Faye. Kahit hindi siya kandidato.
Eto na nga. Na-promote si Faye at nabakante ang iniwan niyang posisyon. Ni-recommend niya ako, and the rest, as they say, is kembot history thanks to brazo de fatima mercedes chenelyn forte.
Prior to my GMA job offer, five months din akong bum not by choice, but by karma yata. Arte-arte ko pa raw kasi. After ko kasing masuka-suka sa call center, sumumpa ako nang slight na hindi na ako babalik sa industriyang iyon, na feeling ko any moment eh lulunukin ko pag gumapang na ako sa hirap.
So finally, naka-penetrate na ako sa TV network. Ang tunay na kahulugan ng pagiging isang masscom graduate. Ang posisyon ko, kung nakita niyo na sa Facebook, ay malupit na encoder!
Oo proud ako, pero as much as possible ayoko nang malaman ng marami na sa GMA ako pumapasok. Dalawa lang kasi ang eksena madalas, either hihingan ako ng ticket sa Eat Bulaga, o magpapatulong silang ipasok ko rin sila sa GMA.
Dati eager pa akong magpaliwanag, eventually nangawit na rin ako kakasabing ang Eat Bulaga eh hindi talaga under ng GMA kundi ng Tape. kailan kaya nila 'yon magegets? Diba common knowledge naman 'yon?
Isa pa, hindi naman ako taga-HR. Para bang ako yung manager kung makapag-request naman sila ng trabaho, eh ako nga nabraso lang din. May nag-add pa sakin sa facebook para i-chat ako kung pwede raw ba siyang mag-apply sa GMA. Tamang nasa GMA ako, pero hindi ko naman kasikuhan sila Gozon at Duavit. Ano ba.
Yung isa nga, in-add lang yata ako para sabihing baka pwedeng mag-artista yung anak niyang babae. Talanted naman daw tsaka cute. Hindi naman ako talent scout, hindi rin ako taga-Artist Center.
Ang nakakahaynako pa, eh yung mga biglang usapan ng kakilala. Yung kapitbahay ko, sanggang dikit sila ni--sino nga yung manager dun? Yun, si Wilma Galvante. Don kayo magsabi kung gusto niyo manood ng Party Pilipinas, pagbibigyan agad kayo.
Whatever.
Hindi naman sa nagsusungit, pero nagagaraan lang ako sa nae-encounter ko everytime--as in evertime--may nakakaalam na nagtatrabaho ako sa GMA. Kaya ngayon, kapag may nagtatanong ng "Sa'n ka na ngayon?" my answer is always the aral na aral na "Diyan lang sa may Kamuning."
Ang TV network, parang ibang kumpanya lang din yan, marami lang artista. Sabagay, yung mga artista nga pala ang kakaiba sa network. Pero kung usapang sweldo, susme, gusto ko nang bumalik sa call center. At least, paglabas ko ng trabaho, malaya na ang isip ko. Walang tatawag sakin sa madaling araw para humingi ng tape, etcetera.
Tinangka ko na pala mag-resign. Nag-stay pa ako konte kasi inutu-uto nila ako eh. Hindi raw nila alam ang gagawin kapag nawala ako sa buhay nila. Siyempre alam niyo na. Ako ay isang buhay na Adobe Illustrator.
Pero tinangka ko talagang mag-resign, with dramarama sa hapon pa ito with my boss. Eh ayun nga, nagbago ang isip ko, not because they gave me a raise ha. Inutu-uto nga kasi nila ako.
Anyway, ayun lang muna ang kwento. Sana maka-enroll na ako sa pasukan.
___
Ikaw, may sentimyento ka ba sa trabaho? Comment na at I'm sure maraming makaka-relate diyan.
PS. Hindi na po ako encoder. Last year pa. Nakakatamad lang mag-update ng info sa Facebook. Pareho na kami ng ginagawa ni Faye, pero mas mataas ang sahod niya.
Hahaha! :) Relate ako jan sa Eat Bulaga thingy.
ReplyDeletehahahaha... tama! nakaka-relate ako sa lahat lahat ng
ReplyDeletethingamajig! Ü
ay love ko itong entry na ito :)
ReplyDelete