Saturday, November 12, 2011

Usapang Lalaki

Walang kamalay-malay ang mga babae na pinag-uusapan na sila. Gano'n din pala ang usapang lalaki. Malandi.


"Boy ang ganda ni Pia kanina; nakasuot ng sapatos na mataas. Wedge ba yung tawag do'n? Basta ang ganda boy tang ina kaya lang 'di ko mapormahan eh. Magpapaganda nga muna ulit ako ng katawan."

Sa kapangyarihan ng tadhana at kapalaran combined, natagpuan ko ang sarili kong nasa back seat ng kotse, nakikinig sa usapan ng dalawang mga tunay na lalaki sa harapan. Kung paanong napansin ko ang kaibahan ng magkakaibigang dudes sa magkakaibigang sisters (kung saan ako mas exposed) ay ganoon ko ring na-realize na afterall, hindi rin sila halos magkaiba.


"Boy babae pala yung nagdi-drive ng kotse, o."

"Onga boy. Miss, ingat ka naman. Kinakain mo na yung daan eh."

"Boy, o. Sa kanan."

"Barkada boy. Mga miss, saan ba kayo pupunta? Bakit naglalakad lang kayo? Sakay na kayo dito."

May counterpart pala talagang "boy" ang tawagan ng mga babaeng "girl" at "bakla." Nakaka-surprise lang.

Walang kamalay-malay ang mga babae na pinag-uusapan na sila. Gano'n din pala ang usapang lalaki. Malandi. Lahat ng madaanang babae, pinag-uusapan. Kahit pangit, deadma. Parang gusto laging maka-sex. Sabagay, kami man ni Poli, halos lahat ng madaanang lalaki, pinag-uusapan.


Sa Jeep.

"Girl tingin ka sa kaliwa mo. Ayie."

"Duh. 4 lang. Mukang singkamas eh."

"Mga 6 naman. Cute naman eh. Maputi. Singkit."

"Exactly. Mukhang singkamas."


Sa McDo.

"Ang gwapo nun."

"Ay shet."

"Winner di 'ba?"

"Sarap grabe. Yung braso, o."

"Yung kilay pa, tsaka ilong."

"1 to 10?"

"11."


Minsan, nakasakay ako sa elevator. From 7th flr, bumaba at tumigil sa 4th. May sumakay. Nagkita sila nung kasabay kong isa. "Uy." Tapos nagpaluan sa pwet. Ganon pala greeting ng mga lalaki? Paluan sa pwet? Parang type kong makibati sa kanila.

May sarili rin silang facial expressions na  magkakaintindihan na sila kapag may magandang babae. Kahit hindi ko maintindihan kung ano yung maganda sa babae. Yung smile pa ng mga lalaki pag gano'ng nagkakaisang diwa, alam na alam ko nang may maruming iniisip. Parang gusto kong matawa pero parang gusto ko ring hampasin ng bag at the same time.

___
Kayo, ano ang napapansin niyo sa mga usapang lalaki? I-share niyo na 'yan by posting a comment below nang malaman natin kung ang akbayan nila ay may "haplos."

1 comment:

  1. ayos. ngayun ko lamang ito nakita. nice one. :)

    from: v.

    ReplyDelete