Sunday, November 6, 2011

Justice in Its Kakilabot Form

...ano ang feeling na yung taong sobrang kinasasamaan mo ng loob eh biglang kinuha ni Lord?


Deads ang daddy ni Charice dahil sa multiple stab wounds. Kapag naririnig ko ang "multiple stab wounds," naiisip ko kaagad si Direk Ricky Rivero na pinaglihi sa pusa at nanatiling buhay after saksakin ng 17 times. Pero self-defense lang daw eka ni suspect. Let me just make ulit. 17 times. Self-defense.

Anyway, nevermind Direk Ricky because this blog entry is for Charice na super paborito ng aking ina. Si Charice na halos araw-araw kong naririnig bumirit ng I Will Always Love You at And I'm Telling You kakanood sa YouTube ni Myrna. Hindi lang mga kanta, pati mga feature documentaries niya pinapatulan ni maderdir. Kaya kahit hindi ko choice at hindi ko naman bet intrigahin eh nalaman ako ang talambuhay niya konte.

So namatay na nga ang tatay niya. Napanood ko sa 24oras ang batang naka-shades, humihingi ng hustisya. Na-bother ako ng slight. Wait lang. Effect pa ba ito ng camera? Kasi kung hindi pa ako ulyanin, alam ko wala naman siyang sinabing magandang bagay about his father. Kaya nga abot-abot ang pagmamahal niya sa nanay niya kasi battered wife ito kaya lumayas sila at mag-isang pinalaki ni mudra si bagets.

Kaya maybe, on an extreme level, ito na yung hustisya para sa kanilang mag-ina.

But no. Sabi sa balita (click here to make basa), eh nagiging close na pala sila recently. At eksena ang mga kamag-anak with their side comments and opinions as if walang mga putik sa mukha. Epal na mga kamag-anak. People really love eating their own words. Walang pinaghuhugutan 'to ha. Haha.

On a different but related note, ano ang feeling na yung taong sobrang kinasasamaan mo ng loob eh biglang kinuha ni Lord? Bigla mo ba siyang mapapatawad, gaya sa pelikulang iyak iyak ever sa lamay? Nakaka-curious lang.

Well, irerespeto ko ang anumang reaksyon ni Charice dahil idol siya ni mommy. Ang wish ko, sana bumalik siya sa Glee para lampasuhin sila Rachel Berry, kahit nakaka-bother ang vowel sounds niya kapag nag-e-english, tsaka yung kamay niyang humahampas-hampas on the side.


Ayan. Maloka kayo sa kanya.


___
Naniniwala ka bang nananalo sa amateur singing contest ang mababa ang boses? Nagagalingan ka ba kay Pops Fernandez? Comment below and share your thoughts kung ayaw mong ma-multiple stab wounds. Joke lang. Kakakilabot.

2 comments:

  1. Sorry kay Charice, pero feeling ko ang crying effects niya sa TV ay chika lang.

    ReplyDelete
  2. sa kasamaang palad. :D

    ReplyDelete