Is that something a columnist should post on an online publication, read by Filipinos, amidst the celebration of Buwan ng Wika? Maybe yes.
Heto ang article na iniiyakan ng mga friends ko sa FB: Language, learning, identity, privilege ni James Soriano.
Now, it's my turn to comment. Ahihi.
Wala akong problema kung sa English siya pinalaki ng nanay niya, pero ang masakit lang sa tenga--well, sa mata dahil written article iyon--ay ang mga salitang survive at outside world. Utang na loob, ang Pilipinas ay hindi gubat, at ang mga Pilipino ay hindi wild animals.
What the heck. What is he doing in the Philippines, anyway?
Is that something a columnist should post on an online publication, read by Filipinos, amidst the celebration of Buwan ng Wika? Maybe yes. At wala raw akong pakialam dahil column niya 'yon at wala rin naman daw siyang pakialam kung mag-react ako sa blog ko dahil blog ko nga ito. Walang basagan ng trip.
Pero sa kabilang banda, may point siya doon sa second to the last paragraph. Tagos sa kaluluwa ng ipokritong Pilipino. Doon ko medyo na-realize na oo nga, sa kalsada lang ginagamit ang mahal na wika. Sa pagbilan. Sa bayad po. Sa para-mama-putang-ina-lagpas-na-ako.
Imbis mainis, eye-opener ito. Ang wikang Filipino ay identity lamang ng class E, D, maraming C at B konte. English pa rin ang gamit sa mga pormal na okasyon, lalo sa mga senate hearing na sobrang nakakangawit panoorin dahil half of the time ay nagko-construct sila ng sentence. Ang lalansa.
At least, Filipino ang mga talumpati ni PNoy. Wala na raw silang masasabi.
Nasaktan ang pride ko bilang Pilipino. Truth hurts talaga, pero hindi singsakit ng heartbreak.
____
So what's your take with Mr. Soriano's controversial article? Comment below and share kung umiyak ka rin sa inis gaya ng friends ko sa FB.
ps. Pauso ni Ate Cess yung hindi singsakit ng heartbreak. Nasabi niya when asked kung anong level yung pain ng pagpapa-tattoo sa likod. Here's that blog entry: Inked!
No comments:
Post a Comment