Monday, June 27, 2011

Belated po, Tito José!

Sa mga damit pa lang niya, kita mo nang rich kid. Travel-travel lang abroad. Sarap buhay. Pero bayani siya, ha. National hero at that.




José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Pepe sa kanyang pamilya. Señor Rizal sa mga kastila. Dimasalang sa La Solidaridad. Joe kay Josephine. Papa José sa mga naglalaway na fans. José Rizal sa kasaysayan.

Doktor. Manunulat. Iskultor. Mangguguhit. Listahan ng propesyon. Mula agham hanggang sining, kinabog niya na. Anak daw siya ng diyos. Kegaling na bata, hane? Sino bang nanay niya? Oo, si Aling Teodora.



Silipin mo lang ang article sa Wikipedia tungkol sa kanya (click here to read the article), marami ka nang makikita at malalaman. Sa mga damit pa lang niya, kita mo nang rich kid. Travel-travel lang abroad. Sarap buhay. Pero bayani siya, ha. National hero at that. Pailalim kung umeksena eh.



Mula paslit hanggang mag-highscool, ang madalas na tukso sa akin ay José Rizal dahil sa buhok ko (picture on the left). One-sided kasi tsaka pumepektus. LOL pumepektus.

Pero, I don't get offended when they call me such. Why would I? Mataas ang respeto ng tao kay Rizal. Wala silang maipintas bukod sa hindi siya lumaban sa pamamagitan ng tabak.



Eh meron naman siyang Noli at El Fili. Sabi nga niya and I quote, "The pen is mightier than the sword." So quits na rin. Sa 'yun ang forte niya eh. Ako man, kung papiliin halimbawa between boxing and ice skating, natural go boxing. Hahaha. Siyempre alam na.



I remember back in highschool, kailangang laging gumawa ng buod sa bawat kabanata ng mga nobela. May bonus pang reporting at graded recitation. Ngayon, ang malinaw ko na lang na naaalala ay ang Kabanata 31 ng Noli: Ang Sermon. Alam na.

Ayon sa documentary ni Howie Severino sa I-Witness na Ang Mahiwagang Ngiti ni Rizal (click here to watch the video), swerte raw na saktong nasa europa si Rizal kung kailan papausbong pa lang ang photography. Marami tuloy tayong pictures niya na nakolekta.



At least nga naman, those pictures can stand as proofs that Rizal really did exist. Hindi drawing lang. Pero just to share, matapos kong makita ang napakaraming larawan ni Tito Jo, I've come to realize na isa siyang masayahing tao...

...kasi bawal siyang malungkot. Alam na.



To you, our dearest national hero, José Rizal, belated po. Kahit kasalanan ng mga Amerikano kung bakit ikaw ang pambansang bayani ng Pilipinas, sana nakita mo, wherever you are, kung paanong ipinagdiwang ng bansa ang iyong 150th birthday. Sayang lang hindi ka nagkaanak, para may magtuloy man lang ng legacy.

Isa lang po ang wish ko para sa inyo. Stay happy. Alam na.


ps. Pinanindigan ko yung "é" sa pangalan mo ha. May friend kasi ako na naiinis kapag "n" lang 'yung "ñ" niya eh.


___
Kayo, what's your wish for our beloved national hero? Post your greetings on the comment section below. 'Wag mag-alala. Hindi na siya gaganti pag inasar niyo siya about his hair.

1 comment:

  1. Jose Francisco Reyes Del Rosario Milano says:

    pareho kayo ni rizal, kabugera. ikaw kanta sayaw arte sulat math? lol saka ang buhok. saka ang hair line... hahaha noo.

    dagdag info lang. si rizal ay 33 years old ng mamatay dahil sa sobrang kalungkutan... ching..

    ReplyDelete