Gusto ko sanang pumasok nung weekend para tapusin ang mga pending na paperworks. Naks. Ang sipag ko naman sa statement na 'yon. But really, gusto ko talaga sanang pumasok, kaya lang ang sipag din ni Egay. Ayaw mangawit eh.
Biglang nakita ko ang isang picture ng payong sa wall photos ni Mhai. I got inspired kaya for my blog entry for today, ipapakita ko sa inyo ang ilan sa non-traditional umbrellas.
<- 'Eto yung nakita ko kay Mhai.
O ha. 'Yan ang payong. Protected ka 360 degrees. Walang talsik, walang angge, walang putik-putik on the lower part. Very practical. Malamang pauso na naman 'yan ng mga hapon.
Kung trip mo naman ang medyo futuristic, eto ang para sa 'yo. Kung paano siya i-fold, 'di ko masyadong ma-imagine. Pero aminin mo, masarap siya irampa. Stand-out ka talaga kung gusto mong magpapansin.
May karapatan din naman daw ang mga Amerikano na magpauso. May video advertisement pa sila. Kayo na ang bahalang humusga kung convenient nga talagang tuyo ang balikat pataas pero basa naman from chest below. Introducing, the NUBRELLA!
Well, whatever. Sa England nga, garbage bag lang, talu-talo na. Pero in-assume ko lang na sa England kasi sila lang naman ang mahilig sa "pwede ba, may hat ako" hats. Look, o.
Oha. Umalis kayong lahat. LOL.
Anyway, pasalamat tayo at may ulan kaya nakakaisip ang tao ng mga ganyan. It's really how you look at a situation. Ako, naiinis dahil hindi ako makaalis. Yung mga magsasaka, nagpapasalamat kapag naulan dahil libreng dilig. Sige na nga. Thank you na sa ulan. At least, I get to flaunt my beige hello kitty umbrella.
___
So, ano namang drama mo ngayong tag-ulan? Comment below and share with us kung inasar ka rin na 'wag papaulan at baka ka dumami.
ahaha! astig..:) love this..:) namiss ko ung isang blog-site mo..:) namiss ko ung mga kwento mo..:) kaya tuwang tuwa ako dito..:) from the beginning till the end napanindigan mo na "you get to flaunt my beige hello kitty umbrella." :))
ReplyDeletesabi nga db, NECESSITY IS THE MOMMY OF ALL INVENTIONS. :))kudos! good job! :))
ReplyDeletemahusay angblog na ito. promise!
ReplyDeleteganyan
ReplyDelete