Wednesday, June 15, 2011

Na-shoot ng Kabayo ang Ball

Now you learned your lesson: lumpuhin muna ang magagaling nilang players a few minutes before the game. Biro lang.



Nanalo raw ang Dallas.



I was like... okay...?

Mga officemates ko, nagpustahan pa ng libreng kape. Sa Facebook, puro tungkol sa Mav's ang status. Hindi na ako nag-check ng twitter, dahil nalilito pa akong gamitin 'yon. LOL.



Since ito ang usapan ng bayan, I might as well talk about the sport. Siyaks. Ano'ng sasabihin ko? Hahaha. Hindi ako NBA enthusiast, at wala akong alam sa basketball at all--siyempre liban sa mga simple rules at violations gaya ng travelling at foul na may pakunswelong free throw depende kung ano'ng parte ng katawan mo ang nasubsob.

Sabi ng FB status ng friend ko, "Yung iba makakampi lang sa MAVS at HEAT para masabi lang na IN. Ang totoo naman wala silang alam sa NBA:)" Kahit waka akong alam sa NBA, makiki-in pa rin ako. Haha.

Volley ball ang sport ko, pero hindi rin ako fan ng mga intercollegiate paluan-at-butasan-ng-laman competition, siguro dahil hindi active ang university namin sa ball games. Ilaban mo kami sa tulaan at talumpatian. Pak! Kantahan. Chak! Mga ganyan, palung-palo ang iskul namin.

Since mukha namang walang magiging kwenta ang opinyon ko tungkol sa basketball, bibigyan ko na lang kayo ng basketball trivias! Tan-tara-ran! O ha!

1. Alam mo bang pauso ni James Naismith ang basketball noong 1891? Di tulad ng net ngayon, literal na basket ang gamit nila noon, at kailangan nila laging bumuo ng human pyramid para kuhanin ang bola manually tuwing nakaka-score kasi sarado ang ilalim.

2. Alam mo bang mula 1986 hanggang 1992, may dalawang players ang nanalo ng tigatlong MVP trophies? Sila ay ang mga nawawalang pinsan ni Michael Jackson: sina Magic Johnson at Michael Jordan. O ha!

3. Nabanggit na rin lang naman si Michael Jordan, alam mo bang sa $36 million na kinita niya noong 1993, $32 million doon ang endorsements? O ha! Kris Aquino at Sharon Cuneta, umalis kayo dito.

There. Congratulations sa Dallas Mavericks. Deserve niyong manalo. Nakita ng mundo kung paano kayo naglaro.

Okay lang 'yan, Miami Heat. Hindi ko man napanood ang laban niyo, sigurado namang you gave it your all. Keri lang maging second. Ang point, second pa rin kayo among all the teams. Si Venus Raj nga, 4th runner-up lang pero kabog pa rin. Now you learned your lesson: lumpuhin muna ang magagaling nilang players a few minutes before the game. Biro lang.



"I-shoot mo, i-shoot mo, i-shoot mo na ang ball. I-shoot mo na ang ball. Ang sarap mag-basketball!"
-Viva Hotbabes

___
So my question for everyone is this: Sino kinampihan niyo? What can you say about the game? Comment below and discuss the NBA championship kahit ma-OP ako.

2 comments:

  1. Hindi rin ako tagasunod.. subukan mong mag-lo about AMAYA,,, baka ga-blog din ang comment ko..

    ReplyDelete
  2. ang hirap nman magcomment.. ahaha! :) hndi rin kc ako mahilig sa basketball.., ibang shootan ang alam ko eh..! ahaha! pero Mavs sana ang bet ko.. si coach S*****tra (mahirap n ipronounce mahirap pa iSPell) basta iun.., eh pinoy daw.., Go Pinoy sana..,,,

    ReplyDelete