Sunday, June 12, 2011

I and My PaTWEETums.

You have the liberty to imagine kung ano man ang itsura ng pa-demure na kembot. Go lang.




Welcome to my humble blog.

Yehey! Pakiramdam ko, this is it na talaga. Meron nang blog title, tapos na ang blog layout, nakabangko na ang mga blog entries, at finally, eto na ang first post. Ang saya ko konte.

Allow me to introduce to you My PaTWEETums, where I share my thoughts one pa-demure kembot at a time. You have the liberty to imagine kung ano man ang itsura ng pa-demure na kembot. Go lang.



Ako si G. Zople, G. for Ginoo (pen name ko 'yan, 'wag na kayong magulo). Graduate ng masscom from the pink university in the province. Licensed highschool english teacher pero never nagturo. Dating call center agent, naging proofreader, ngayon ay corporate employee (yes, corporate employee raw, o) sa isang TV station.

Sobrang conservative ko raw kumilos kaya madalas akong masabihang pa-tweetums, hence, the blog title. Thank you Poli for the idea--o ayan, may credits ka na. Pero, in spite of my conservativeness, if there is such a word, I have a liberal mind, which I best convey through writing.

So I created this blog to finally have an official avenue for the expression of my thoughts, at para mas madali akong masundan ng mga fans ko. Lol fans.

Aaminin ko na hindi laging nagsusulat lang ako to express. Kung gano'n din lang, sana nagsulat na lang ako sa diary. At alam kong deep inside all the artists' hearts, there is this craving for applause. 'Wag nang i-deny. Here's a song that made me realize and accept the not-so-humble truth:




Anyway, eto na nga ang blog ko and this is my first post. Fresh na fresh. Pula pa ang hasang. Hindi kasama sa fish kill. I know this post alone is not enough to tell you who I am entirely, so I hope that you stay and play with me and my gibberish whatever blah-blah.


Ayun. Kung napadaan ka lang o pinilit man kitang bumisita dito, thank you pa rin, kasi nagkainteres kang malaman kung anong kabalbalan ang meron sa blog na ito. Sana hindi ka mainis sa kaartehan at ma-enjoy mo ang mga patweetums ko. Pak.

___
Go ahead. Comment ka lang. I'll appreciate it kasi at least, hindi ako magmumukhang autistic.

2 comments:

  1. kahit patweetums ka ikaw pa rin ang pinakamagaling kumanta ng paborito kong kanta! congrats sa blog mo! number 1 fan mo na ko! :)

    happy birthday kay myrna!

    ReplyDelete
  2. love the song..:) pero tingin ko mukang mas magugustuhan nmen yan kung version mo sana ang nakita nmen..:)

    APPLAUSES for G.ZOLPE .!!! :)

    ReplyDelete