May bagong fashion statement si Madame. Transformers inspired.
With bakal-bakal all over the body--yan ang drama ngayon ng mahal na inang reyna as she submits to the government her petition to go abroad in hopes of undergoing sana a tetracycline-labeled bone biopsy. Yes, a tetracycline-labeled bone biopsy. Not just any other biopsy but the tetracycline-labeled bone biopsy. She said so in an article in Manila Standard Today (click here to read).
Attached in the petition were her photos wearing a 3-kilo collar brace on one and a minerva vest on the other. Tiis-ganda. 3 kilos talaga. Siya na ang non-Anlene drinker.
Apparently, ayaw siyang payagang lumipad palabas ng bansa dahil kasama raw niyang lilipad ang pag-asa ng mga taong taeng-tae nang matuldukan ang lahat ng ito. Kung gaano man kalaki ang scope ng lahat ng ito.
Ang hindi raw maintindihan ng palasyo eh hindi capable ang Pilipinas na suriin ang eksaktong kondisyon ng sakit niya. She was speculated to be suffering from hypothyroidism, na nung pinilit kong intindihin sa wikipedia (click here kung feeling allied medical course ka), eh nalo-low batt ang parathyroid glands na siyang may pananagutan--pananagutan?!--sa pagpapanatili ng angkop na calcium sa dugo at buto.
Meaning, mahinang parathyroid glands > mababang calcium level > marupok na buto.
Matatandaang ilang beses na siyang inoperahan sa cervical spine, pero waley. Wit kumakapit sa titanium rod ang laman ng lola mo. Imagine, may bakal sa loob ng katawan mo, hindi nakalagay ng maayos, tapos iipit sa laman mo pag sinwerte ka ng baling. Sarap. Kakangilo.
Kaya lang, kahit gaano pa katotoo ang sakit niya at ang pangangailangan niyang mamasyal abroad, sorry, ma'am, pero hindi raw po pwede sabi ni boss. Sino si boss? Clue: yung boss ni Tito Yellow.
Palagay namin ni Dikong, siguro, siguro lang ha, eh this is it na. Sinisingil na siya ng universe.
Hay nakoh. Paalisin niyo na ako, noh.
___
Do you find her latest accessory fashionable? Magsusuot ba kayo ng minerva vest sa Christmas party? Comment below and balatuan niyo ako kapag nanalo kayong best in costume.
aang fashion statement na kailanman ay di ko aasamin. pero ang mga article maker na patuloy na susubaybayan. nice one. :)
ReplyDelete-v