Tuesday, January 1, 2013

2013

Thank the heavens, hindi natuloy ang end of the world.


So I saw how my friend Gra was able to achieve success in completing her chapter 2012 photo album in Facebook. At dahil ako ay isang taong mabilis ma-inspire (read: inggitera), I got motivated to have my own version of chapter 2013 in the form naman of blog posts.

Masyado itong ambisyoso, pero kailangan ko ring gawin para ma-exercise ang isip na magkwento nang magkwento para hindi na ako ma-writer's block--o siya, siya, tamarin. Pipilitin ko, sa abot ng aking makakaya to the highest sukdulang-mag-rent-ako-sa-computer-shop-at-ten-pm level, na mag-post at least one entry per day. Lalo ngayon at kumukuha ako ng malikhaing pagsulat, kailangan talagang mahasa. Although nararamdaman kong magle-leave of absence naman ako sa grad school next sem dahil wala na akong pera, kapag nag-commit ako sa munting project na ito eh kakaririn ko na.

At kung gagawin ko na rin lang, ang vision eh sana bisitahin ang blogsite na ito everyday para tumaas ang traffic, tapos mahi-hit ko na ang traffic counters ng mga kumpanyang scouting for sites na pwede nilang lagyan ng advertisements, tapos lalangoy na ako sa pera. Yahoo! Ay, plugging ako. Sisingilin ko ang Yahoo! dahil dito.

Kamusta ang new year niyo? Sa amin, normal lang. Hindi na kami nagpaputok. Wala ring putukan sa loob ng bahay, hindi ko lang ka-sure sa master's bedroom. Nag-ingay lang si Mommy gamit ang bakal na dikdikan tapos si Dikong eh nangapitbahay dahil may eksenang inuman. Si Daddy, as usual, nagluto forever. Ako, ayun, sinalubong ang bagong taon kaharap ang computer--naglaro ng Dragon Nest SEA. Level 40 na ang bowmaster ko. Hihi.

Nakakatawa lang sa lugar namin dahil around 1:30am kanina eh tapos na ang putukan. Kaka-surprise. Balik kami sa pagiging isang liblib na subdivision sa Baranggay Pantoc na sa normal na gabi ay maagang natutulog ang mga tao. Sabi ni Mommy isasara raw uli ang street namin para sa grand kainan ng magkakapitbahay gaya last year. Waley naman. Drawing. Siguro kinansel dahil yung host ng party noon eh ginagawa ang bahay ngayon kaya nagkalat ang buhangin at graba sa tapat nila. Nagkalat din ang mga, uh, gumagawa ng bahay. Period na.

Since 2013 falls under the year of the water snake, looking forward ako sa pagbuhos sa ng sangkatutak na swerte dahil snake ako, earth snake to be exact.

___

You want to add me as friend in Dragon Nest SEA? Gogogo. My character name is Bminor. I'm in Springwood server.

Chapter 2013: Page 1 of 365

No comments:

Post a Comment