I'm just a few pages away from finishing the first book of the Twilight series. After that, kailangan ko namang basahin yung Filipino-translated version entitled Takipsilim. Yes, may Filipino translation nga ang Twilight, published by--sino pa ba--Precious Hearts Romances.
Oo na, the novel is so two thousand and five pa at sobrang huli na ako sa uso kung nagpapaka-join the fad man ako. But no. Requirement ko kasi ito sa subject na Fil280: Mga Pagsasalin sa Pilipinas. As a final paper, bibigyan ko ng pagsusuri ang ginawang salin sa Filipino ng nobelang Twilight. Kaya for a few weeks eh magiging dabarkads ko muna sina Bella at Edward na masarap kaltukan at pinapa-realize sa akin na wala akong lovelife at maglaslas na lang ako ng pulso.
Tatlong material ang ni-propose ko kay Ma'am Antonio for my paper. Yung una, yung The Little Prince kasi siya ang nagsalin nun sa Filipino. Hindi niya bet. So next. Pangalawa yung salin ni Danton Remoto ng The Selfish Giant na kwentong pambata ni Oscar Wilde. Ashuli, suggestion nga iyon ni Ma'am kaya hinanap ko sa National. At okay na rin sa akin dahil maikli at saka parehong bakla ang nagsulat at nagsalin. Eh waley pa rin.
Nung binuklat ni Ma'am yung Takipsilim, sobrang naintriga siya. Ang panget-panget daw kasi ng salin. Hahaha. Parang minadali, hindi pinag-isipan. Nagbasa pa siya ng ilang linya. "Parang wala siyang concern..." At kaagad na sinegundahan. "Tila hindi niya minamahalaga... O tila wala siyang malasakit..."
I was like, wow. Nag-aaral nga talaga ako sa UP. Napapanganga ako sa intelligence at experience ng mga prof. Pero yung paghanga ko, biglang napalitan ng pag-aalala, sa dami ba naman ng requirements na hinihingi sa amin. Lalo si Ma'am. Sinoli niya yung reaction paper na pinasa ko. Ang panget daw. Ulitin ko, unless gusto ko nang ipasa yon at magka-grade na para rin lang doon. Nooooo.
But nevermind the pressure. Gusto ko lang i-share na maganda pala ang Twilight. You may go ahead and say, "Alam na namin 'yan noon paaaaa." Eh sa ngayon ko lang siya nabasa, bakit ba.
Si Edward kasi eh, parang hindi totoo. Ang perfect masyado, parang tanga. Hahaha. I should make up my mind. Lol. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit nasabi ni Joyce, classmate ko nung undergrad, na mas gwapo pa rin si Edward sa novel kaysa sa pagka-portray sa kanya sa movie. Sa muscles pa lang, wala na si Robert.
I have a male friend na sobrang naging fan ng Twilight Series before. Hopeless romantic kasi siya, and now I realize na medyo pinepeg pala siya si Edward ng konti the way he acted. Tahimik, unassuming, gentleman, ganyan. I should have read this freaking book years ago, para na-peg ko rin si Bella sa kalandian.
___
According to the novel, kapag naging vampire ka, mahe-heighten ang innate qualities mo nung tao ka pa. Siguro kapag ako ang naging vampire, dahil bakla ako, magiging tunay na babae na ako.
Chapter 2013: Page 6 of 365
No comments:
Post a Comment