Siguro naman mayroon nang sapat na bilang ng pagkakataon at patotoo para masabi kong masarap nga talaga ang pagkain sa bahay. Napag-usapan namin ni Dikong noong nakaraan na may common denominator ang mga nagiging bisita: lahat impressed sa nakahain.
I first realized this when I was in third year college. Videofest 2007. Hakot awards ang news entry naming "Ano'ng Balita?" I won best director. Kaya in celebration daw, kinantiyawan ako ng mga kaklase na magpafiesta. Okay, whatever. Gumamit ako ng lifeline--phone a tatay.
Nasa opisina pa yata si Daddy nung tumawag ako para sabihin ang lambing ng classmates. Ano raw ba eka ang gusto namin. Sinigang na buto-buto, walang gatol nilang sagot. In chorus pa yata, I forgot na.
True enough, pagdating namin sa bahay, ready na ang request nila. Sobrang mainit pa. Kebs na kung naka-make-up pa sila and gown and all, gutom na eh. Sige ang kain. Ang saya-saya nila. Ang saya-saya rin ni Daddy, pati na rin ni Dikong kasi tumulong siya sa impromptu sinigang.
Three consecutive years na akong nagse-celebrate ng birthday sa bahay. Mapilit kasi sila Krystal na kahit tinatamad akong maghanda, nagpe-presenta silang maging committee chairman for promotion at kumontak ng magpupuntang bisita kahit from the City of Malolos pa ang mga utaw. Okay na rin. Ang sarap naman sa feeling makantahan ng happy birthday, yung totoong happy birthday with vocal arrangement pa ito.
May mga staple na handa sa birthday ko na sobrang nilu-look forward nila: tacos at chicharon, lalo na ang chicharon. Home-made kasi. Signature recipe yon ni Daddy na kinalakihan niya sa Nueva Ecija. May laman kasi ang chicharon niya, tsaka malabo (hindi yung malabong "vague" kundi yung malabong may mabilis na bigkas). Laging tinatanong kung paano ginagawa ang chicharon pero never naman nilang sinubukang gawin. Siguro matrabaho. Piniprito kasi ang balat ng baboy nang anim na oras. Minsan nga tinutulugan ni Daddy yon eh. Tapos ide-drain tsaka hihimayin ang nagkadikit-dikit na piraso, saka pa lang pwedeng paalsahin.
Nag-caroling kami sa Villa Segunda nitong nakaraang pasko. Eh gabi na noon at sobrang gutom na sila. Pasimpleng nagtanong kung may kanin ba sa amin. Shucks. Sorry kay Dikong pero kailangan na naman niyang mag-on the spot jackpot. Buti na lang may laman ang ref. Nagluto siya ng beef steak, with maraming tinadtad na sili on top. Tapos nauwi sa inuman (shet, ubos din ang caroling share kooooo). Siyempre, walang pulutan, nagpasiklab naman siya ng sisig na tenga na noon pa niya pine-perfect. In fairness, almost perfect na ito.
"Buti hindi ka tumataba," tanong sa akin ni Raprap, isa sa mga kasama sa caroling na maraming nakain. Apparently, tuwang-tuwa sila sa pagkain sa bahay. Sabi ko araw-araw namang ganito ang pagkain namin, kaya parang wala namang kakaiba for me.
I must say, I'm proud of Dad and Dikong. Meron pala silang gift sa kusina na araw-araw kong nae-enjoy nang hindi nagbabayad ng malaking halaga. Sapat na yung nakita nilang simot ang pinggan with matching dighay at kamot sa tiyan.
One time, nag-sleep-over si Amie. Sabi niya, "Ang sarap ng pagkain, kaya lang ang dumi ng bahay."
Toinks. LOL.
___
Wanted: tagalinis ng bahay. Once a month lang. Please take your vitamins before coming over kasi nagkasakit si Krystal for 3 days nung linisin niya ang kwarto ko. Take note, kwarto ko pa lang.
For interested, post a comment below.
Chapter 2013: Page 2 of 365
No comments:
Post a Comment