Friday, January 4, 2013

Sebentawsan

Below are the exchanges of text messages between I and my gay friend, Poli.


Poli: Kung ang dating nararamdaman mo kay CENSORED ang pagbabasihan sa pagsagot sa tanong na ito, ano ang isasagot mo: "Handa ba akong maglaan ng 7,000 para lang makasama kita?"

Ako: Ang pitong libo ay hindi birong halaga. Kung ang dati kong nararamdaman ang pagbabasehan at wala nang iba, oo, handa akong maglaan. Subalit marami pang dapat na isaalang-alang malibang sa nararamdaman ha.

Poli: Sige. Maraming salamat kalahok bilang 3. Naitanong ko lamang out of nowhere.

Ako: Whatever. Wag mo nang sinasabi yung out of nowhere. Mukha ka lang defensive, girl.

Poli: Hayaan mo na yun. Aga gising wah.

Ako: Start na ng training ko next week. Hooray.

Poli: Wow. Dun sa work na gusto mo?

Ako: Oo! Yung English trainer. Hihihi.

Poli: Wow. Congrats.

Ako: Thank you. Excited na ako. 2 months na akong jobless.

Poli: Maganda yan. Mapera ka na ulit. Makaka-Shakeys na tayo.

Ako: Part-time lang bakla. Level up. Yellow Cab na teh.

Poli: Sige, Yellow Cab Hooray.

***Kroo-kroo...***

Poli: Bakla.

Ako: Tunay na babae.

Poli: Haha. Kailan tayo gagala?

Ako: Baka bago mag-Feb. Yung backpay ko lang naman hinihintay ko weh. Hay.

Poli: Haha. Kakatuwa naman. Excited na ko. Ilang weeks training mo?

Ako: 3 weeks. Everyday. Haha. Huhu. Sa IT dept na lang ako hindi cleared eh. Feeling ko dahil sa tapes sa library na hindi ko na nasoli. Pero wala naman akong inuwi.

Poli: Eh paano? Hmm. Kaya mo yan. Mag-drop ka pa ng subject niyan?

Ako: Eh kapag tinamaan ang Friday class ko, baka i-drop ko yun. Hinihintay ko lang din na ma-account na yung mga show. Iniisip ko yung Indio. Hindi pa kasi nagsisimula eh.

***Kroo-kroo...***

Poli: Pano ka tinawagan pala?

Ako: Eh kaninang umaga. Buti nga gising ako eh. May tumawag. akala ko nga si Jer eh. Kaboses onte. Si Cyrus daw siya. Tinatanong kung interested pa ako.

Poli: Wow. Sosyal. Eh tinanong mo, is this for real? Hahaha.

Ako: Sabi ko oo naman. Tapos tinanong niya yung situation ko. Sabi ko wala pa akong trabaho, at nag-aaral ako. Sabi niya whatever. May training daw sa Tuesday. Sabi ko yehey. Thank you. Sabi niya ite-text niya yung details. May tanong pa raw ba ako. Sabi ko sa ngayon wala. Pwede ba kako akong mag-text kung biglang meron.

Poli: Haha. Ganung kabilis.

Ako: Sabi niya, nagdada moves pa ako, pero pwede. Wag daw akong malandi. Sabi ko alam mo yan.

Poli: Tas miss ka na daw ba niya? Haha. Pogi raw ba yung nakausap mo? Try mo ako i-refer pag pwede ah.

Ako: I-refer eh may trabaho ka.

Poli: Haha. Saka mo na ako i-refer. Kapag ayaw ko na. (referring to his current job)

Ako: Nasa'n ka ba ngayon?

Poli: Dito Pampanga.

Ako: I see. Kekwento ko sayo kung masaya pagpunta ko sa Tuesday. Kakaloka nga eh. 3 Weeks and training. Para sa part-timer. Pero excited ako. Lalo sa pangalan: TRAINER.

Poli: Tama. Trainer. I could have grabbed it before it flew on me.

Ako: So you had an offer before: As in you just had to say yes?

Poli: Yup. Dito sa call center. Nung 9th month ko. Eh. Pakiramdam ko di pa ako handa. Anyway. Kapilan nya aisip na kaluguran na ka.

Ako: Kapilan niya nga aisip na kaluguran niya ku rin. Sayang. Malandi ka kasi. Nagpapapilit ka pa.

Poli: Haha. Ibig sabihin hindi yun for me. What time training mo?

Ako: 9:30am Not sure if it would run the whole day, but probably yeah. Anong hindi yun for you eh ikaw ang tumanggi. Chusera. Confidence, girl. You could've had it.

Poli: Tama. Hindi yun para sa akin kasi natanggihan ko na. Anyway, maganda pa yun.

Ako: Bakit maganda pa yun?

Poli: Kasi may iba pang opportunities.

Ako: Like?

Poli: Like di ko pa alam.

Ako: Sige, sabihin mo yan.

Poli: Ang mahalaga, nagkakapera ako.

Ako: Oo naman. Pano yung school? Akala ko hindi ka muna tutulong hanggang ma-settle mo. Anyare.

Poli: Iba pala pag nanay ko. Makakapaghintay yun.

Ako: I see. Gogogo. Keme o Kiks?

Poli: Kiks. Wala ng iba.

Ako: I see. Graduating na ba siya?

Poli: Yup. Hopefully. Mahal ko yun.

Ako: Naks. Dr. Kiks. Sobrang nandun na.

Poli: Oo. Advance yung mga gawa niya, By Feb. naka preboard na sila. Sana makasama siya sa top notch.

Ako: Uh. May itatanong ako. Medyo sensitive.

Poli: Sige.

Ako: Pano ba yung set-up mo? Nagmamahal ka unselfishly?

Poli: Oo. Mahal ko lang siya talaga. As in no matter what.

Ako: Eh pano ka na? Kung di ka niya mahal, forever ka na lang ganyan? Tinanggap mo na?

Poli: Oo, ganun na nga. As in. Ang masaya kasi, pinahahalagahan niya lahat ng ginagawa ko.

Ako: So keri na sayo na hindi na magkajowa basta mag-stay lang kayo sa ganyang klase ng, uh, friendship?

Poli: Marami kaming ginagawa na I know parehas masaya. Saka yung pagpapahalaga niya at yung paggalang niya sa nararamdaman ko.

Ako: So keri na nga sayo na hindi magkajowa kasi kuntento ka na sa kung anong meron kayong dalawa?

Poli: Ahm. Magjojowa kami, lalo na kapag may dumating.

Ako: No, hindi siya kasama. Ikaw lang. Keri lang sayo na hindi ka na magkajowa kasi nanjan naman siya?

Poli: Magjojowa ako. Pero kung alyaw niya, siyempre hindi. Hahaha. Alam ko magjojowa ako, lalo na pag may dumating talaga.

Ako: Pero kung walang dumating, no pressure kasi nandyan naman siya?

Poli: Ahm. Masaya ako sa kung anong friendship meron kami.

Ako: Haha. Sige. Tapos na. Thank you.

Poli: Hahahaha. Di na yata magbabago yung feelings ko. Pero hindi ko na ipapaalam yun.

Ako: Go, girl. Whatever makes you happy.

Poli: Thank you. Whoever, okay lang? Hahaha. Ang bakla ko noh?

Ako: Lahat naman may kabaklaang taglay. Pero I understand you. Kanya-kanya naman tayong pagtingin sa happiness.

Poli: Tama. So walang pakialamanan, as in dapat masaya tayo sa bawat desisyon natin.

Ako: Sorry. Nakikialam na ba ako?

Poli: Hindi noh. Hahaha. Luka. Wala ka namang kinoment na Poli tumigil ka na. Hahaha.

Ako: Ganun ba. Napansin ko lang na hindi ka diretsong sumasagot ng yes or no. Why is that?

Poli: Hmmmm. I don't know. Hindi ba? Baka dahil artista ako.

Ako: Hahaha. Siguro nga.

***Kroo-kroo...***

Ako: Ganda.

Poli: Mas maganda?

Ako: Ano ba ang kwento sa likod ng 7,000?

Poli: Iniisip ko lang na kung sakaling may mangangailangan ng 7k na lalake.

Ako: Meron nga ba?

Poli:  Wala naman. Halimbawa lang may gustong makasama ka. Tas manonood kayo ng concert tas 7k yung ticket. Ooohan mo ba? Pero KKB kayo?

Ako: Yun na. Hahaha. Sino ang magko-concert?

Poli: Jessica Sanchez.

Ako: Fan ka naman ni Jessica. Nevermind the lalake. Push na 'yan.

Poli: Tama. Fan nga nya ako. Sige. Thank you. Kapag maganda sweldo, why not.

Ako: I mean, hindi ka lugi. Minsan ka lang naman manonood ng concert. Bonus na lang yung kalandian.

Poli: Tama. Tama. Minsan lang ako manood. At bonus nga ang kalandian.

Ako: Kailan ang concert niya? Mangungutang ako sa iba. Hahaha.

Poli: Hahaha. Feb 14. Wait. Back to work.

***Kroo-kroo...***

Poli: Gusto mo rin manood? Sana magkapera ako.

Ako: Charing. Medyo impossible yung 7k for me. Kung mga 1,500 pwede.

Poli: Ah. May 3k ata. Yun yung pinag-uusapan namin.

Ako: Sino kayo?

Poli: Nung kasama ko sa work.

Ako: Si Lalake 1?

Poli: Nope. Di siya.

Ako: Bawal malaman?

Poli: Lalake 2.

Ako: I see.

***Kroo-kroo...***

Poli: Bakit nanghihinayang ako sa 7k.

Ako: Dahil malayo ang mararating ng 7k.

Poli: Oo nga. Totoo ka diyan.

Ako: Kung hindi mo kaya, wag na. Nevermind Lalake 2.

Poli: Eh kung hindi nga. Kaya pa rin yan kung para kay Kiks. Eh since hindi siya.

Ako: Hahahaha. Laugh trip.

Poli: Makatawa ka wagas. Hay. Nakakalungkot. Nang-away ako ng serbidora sa karinderya.

Ako: Ikaw eh. Gusto mo lagi ng eksena.

Poli: Oo naman. Inirapan ako eh.

***Kroo-kroo...***

Poli: Beautiful.

Ako: Beautiful-er?

Poli: Copy writer, ano ginagawa niyan?

Ako: Writes a copy. "Copy" is a term in advertising which means script, or any written item in an ad material.

Poli: Ah. Okay. Kaya ko kaya yun? Opening sa CLTV. Copy writer/ producer.

Ako: Kaya mo yan. Ito ang isipin mo: hindi ka basta isasabak sa trabaho. Laging may training yan. Kung may hindi ka alam, pwedeng itanong.

Poli: Tama. Hay. Hay. Hayaan mo siya.

Ako: Hayaan na naman?

Poli: Diploma. Pero usually sa CLTV kahit anong course.

Ako: Subukan mo muna. Sa call center nga tinanggap ka.

Poli: Sige. Pano yun, iwan ko call center?

Ako: I do not know. It is your call.

.
___

Napagod na ako kakabalik-balik sa cellphone at laptop. Wala na akong comment. Kayo na lang.

Chapter 2013: Page 4 of 365

No comments:

Post a Comment