A conversation with Ava, an officemate:
Ako: Graduate ka na ba?
Ava: Oo.
Ako: Ah talaga? Bakit sabi ni Ceejay classmates daw kayo? (Graduating pa lang si Ceejay.)
Ava: Ah. Shiftee kasi siya.
Ako: Ano bang course mo?
Ava: Public Administration.
Ako: Taray. Tatakbo ka na ba?
Ava: Hindi. Kinuha ko lang yon kasi walang math. Haha!
Ako: Alam ko yan! Ano'ng year ka ba graduate?
Ava: 2009.
Ako: True? 2009 din ako graduate!
Ava: Weh? Ano ba student number mo?
Ako: 2012. Haha.
Ava: Ay ganon? Akala ko UP ka nag-undergrad.
Ako: Hindi. Sa UP lang ako nag-e-MA. Sa CEU-Malolos ako. Ako ay proud probinsyano!
Ava: Akala ko talaga UP ka. Yung vibe mo kasi eh.
Vibe? This made me think. What is the UP vibe? Is it the messy hair? The glasses? The shorts? The gayness? The probinsyano air? Really, I wonder.
Sa totoo lang, hindi ko pa matawag ang sarili kong UPian. Nahihiya ako, dahil maliban sa isang sem pa lang naman akong nag-aaral sa UP, eh hindi ako pumasa sa UPCAT when I took it in 2004. Kaya tuwing naglalakad ako sa school o nag-aabang ng jeep, at nakikita ang sanlaksang estudyante sa undergrad, iniisip ko laging...wow. Here they are. The cream of the crop. All of them passed UPCAT.
Samantalang ako, nagkumpleto lang ng requirements, nagbayad ng tuition--tadaaa!
Kapag nga natatanong ako at nababanggit ko na nagma-master's ako sa UP, ang madalas na reaksyon ay "Wow! Ang galing naman. Diba mahirap makapasok don?" Naku hindi naman po. Nag-complete lang ako ng requirements at nagpasa ng written works. Siguro yun na po ang pinaka-exam sa program ko.
Ayun lang. Kaya tuloy minsan nakakaramdam ako ng inferiority, at napapatanong, what makes me qualified for the slot? At nung sinabi ni Ava na I got the UP vibe, feeling ko, shet, I'm such a poser. LOL
Pero at this point, ano pa ba ang bearing ng pagpasa ko o hindi sa UPCAT? Ang iniisip ko na lang, nag-aaral naman ako doon para matuto mula sa the best sa literary field. At masaya na rin akong isang beses ay nasabihan akong "Gumawa ka pa ng siyam at ipasa mo yan sa Palanca." nang basahin ko sa klase ang isinulat kong tulang pambata.
___
Again, what is the UP vibe? Haha. Enlighten me, please.
lei relate ako:) hahaha:) pero di naman ako nag-UPCAT. di na nagtry:P pero yung UP vibe parang ewan ko kung meron na rin ako?:) hahahaha:D congratsss satin:)-RJ
ReplyDeleteMay kakaiba daw tayong ganda. Char.
ReplyDelete