Thursday, December 27, 2012

BA, KA, LA

Assignment namin kay Sir Eugene. Magsulat ng isang sanaysay minimum of 5 pages. Double spaces. Ang topic na na-approve sa mga ni-propose ko ay "homophobia." Haha. Given masyado.

Ang mga isinulat na sanaysay ay ginamit sa workshop ng klase. 



BA, KA, LA
Leodevino G. Lopez



Ang Masigawan sa Lansangan

Alas-dos na yata ng madaling araw noong minsang nakatayo ako sa may Malolos crossing para mag-abang ng jeep pauwing Meycauayan. Kahit mag-isa ako ay hindi naman ako nakaramdam ng karanasang pang-Philippine Ghost Stories, o baka pwede rin, kung papasang horror nga ang naranasan ko noong madaling araw na iyon.

Mabilis lang naman ang mga pangyayari. Nakatayo ako. Dumaan ang isang trak na puno ng mga lalaki sa likod. Ang tantya ko ay mga trabahador sa palengke. Mga nakangisi sila, nagkakasiyahan. Pagtapat sa akin ng trak, sabay-sabay silang naghiyawan.

"Baklaaaaaaaaaaaaaaa!"

Saturday, December 15, 2012

NASA. Nasaan?


Kahit gaano pa kabilis ang kakayahan ng technology para mag-compute, tae-tae pa rin minsan sa common sense.

O baka tayo ang walang common sense? #NASAnganamananoba

Monday, December 10, 2012

From Pacman to Pacshet

Wag ma-offend sa title. Artistic license lang para cool.

Gulat ba kayo na tumbalelong si Manny Pacquiao sa round 6? Na-flood kaya yung wall ko ng mga kemeng ganito:

...pero note muna: magko-comment ako. Ahihi. Blog ko ito eh.

Sunday, December 2, 2012

Isa. Dalawa.

Assignment namin kay Sir Eugene: gumawa ng isang dagli na naglalahad ng isang di malilimutang karanasan noong pagkabata na nagkaroon ng malaking epekto sa kung sino kami ngayon.



Isa. Dalawa.
Leodevino G. Lopez

May magic daw ang tuta naming si Maxi Boy sabi ng nanay ko. Nararamdaman daw niya kapag parating na ako galing eskwela. Hindi pa man ako nakikita, tatahol na siya’t paikut-ikot na mag-aabang sa gate ng bahay.

Friday, November 16, 2012

Langit in Rainbow Colors

This is my first article as a requirement for graduate school. Huwag mag-expect, please. First meeting pa lang namin last Saturday, which means kung ano man ang naisulat ko, eh galing lang sa alam ko prior to studying in UP. Diagnostics ito ni Sir Vlad Gonzales to assess our level as writers.

For our first activity, magsulat daw kami ng isang akdang nagpapakita ng sariling istilo't pulitika bilang isang manunulat.

Ayun. Game.


Langit in Rainbow Colors
Leodevino G. Lopez

Dati ko pa naririnig ang kwento tungkol sa Kaharian ng Bahaghari. Ang tsismis, doon daw mapupunta ang kaluluwa ng mga mababait na beki. At ngayon, finally, ay malalaman ko na ang katotohanan sa likod ng chikang ito na nag-circulate sa text messages sa lupa bilang isang joke. 

Saturday, October 27, 2012

Kapuso Sign-off

Three days na lang ang ipapasok ko pero hindi pa ako nakakapag-turn-over.


Alright. At this point, almost everybody already knows that I am resigning from work. Paanong hindi malalaman, eh umiikot na pala yung clearance ko sa lahat ng department ng GMA simula nang natanggap ng HR ang approved and signed resignation letter ko.

Last day ko na sa Oct. 31, 2012. Medyo malapit na, I know. Sad konte, but mostly excited, if you ask me, not because I will be out of GMA, but because of the opportunities ahead of me.

Pero bago ako mag-share ng mga plano, kwento ko muna ang mga reaksyon ng mga tao sa opisina no'ng malaman nila ang mabuting balita ayon kay Arci Munoz (Aalis na ako eh. Pagbigyan na, please).

Friday, August 3, 2012

Until That Sometime, Somewhere

Today is Aug 03, 2012. It's a rainy day.


Lo-love life ako nang konti. Babalikan ko yung mga bagay na tinago ko na sa baul way way back, kasi ayoko na ng baul itself. Nakakasikip lang eh.

This pagbabalik-tanaw, I am doing for my own peace. Hindi na yata kasi maganda ang effect sa akin ng pagwa-wait in vain for love. Antagal na kasi. 7 years. Peg ko sana ang Crazy Little Thing Called Love kung saan naghintay si ate ng 9 years sa perslab niya. Kaya lang pelikula 'yon. Realidad naman na ito.

I know that in this process, baka bumalik yung dati kong lungkot, o tumaas lalo yung frustrations, pero parang ganito yung analogy: huling pagbabasa sa mga notes ko nung elementary bago gawing pamparikit ng kalan ni daddy sa pagluluto niya ng sinigang sa likod ng bahay namin.

So eto na. Ang simula ng mga simula. Ang genesis. Ang big bang theory.

At sana, ito na rin ang end of the world. Ang apocalypse. Ang Dec 21, 2012. Para tapos na. Tapos move on na.

Pero disclaimer lang. I won't go into super details. Kaya sakaling mahirap akong maintindihan, sorry.

Ok game.

Monday, April 2, 2012

The Ultimate Answer(?)

Masyado na yata kaming maraming sikreto. Laging on guard eh.


One Friday morning. Tanong ko kay Leody, "Uuwi ka ba?" Sabi niya, "Bakit?"

One time, boses ngongo si Myrna, with matching i'm-so-nanghihina-my-eyes-are-about-to-make-pikit-na-sobra. "May sakit ka?" Tanong kong ganyan. Siyempre to verify. Tapos nag-stop muna siya for one second, sabay "Bakit?"

On one mapayapang lunch, tinanong ko si Dikong, "Ikaw ba [ang] nagluto?" Ala game master, sasagot naman siya ng "Bakit?"

What the heck??

Wednesday, March 14, 2012

Bakit? Bakit Hindi?

Now, I'm hearing those questions and comments again. 


Most of the time, kapag sinabi kong graduate ako sa CEU-Malolos, ang madalas na response ay "Bakit hindi sa Mendiola?"

Nung OJT pa ako sa TV5, ang laging komento ng mga kapitbahay at kamag-anak, "Bakit hindi sa ABS o GMA?"

At ngayong sa GMA na ako nagtatrabaho, bukod sa Pahingi ng passes sa Eat Bulaga at Ipasok mo naman ako kahit janitor lang eh meron pa ring hirit na "Ayaw mo i-try sa ABS o kaya sa TV5?"

Ganyan?

Tuesday, March 13, 2012

10 Random Things About Me

1. Kapag mas maputi ako sa isang tao, hindi siya maputi. Pero kung feeling niya maputi siya, edi sige.

2. I may not look like it, pero mahilig ako sa video games. Sobrang hilig. Super favorite ko ang Suikoden.

3. Anak ako ng retired general. No, hindi niya ako nilublob sa drum para tanungin kung ako ba si Dyesebel.

Kapuso, Makulay ang Buhay

Tamang nasa GMA ako, pero hindi ko naman kasikuhan sila Gozon at Duavit. Ano ba.


This is a little kwento about being a Kapuso employee.

Hindi dahil receipient ako ng gold medal for leadership in co-curricular and extra-curricular activities. Hindi dahil best director ako sa dramafest at videofest. Hindi rin dahil sa sandamakmak na program and invitations na ginawa ko noon sa CEU. I got in because, oo na, I am a member of "it's-not-what-you-know-but-who-you-know-club." Yehey.