Saturday, October 27, 2012

Kapuso Sign-off

Three days na lang ang ipapasok ko pero hindi pa ako nakakapag-turn-over.


Alright. At this point, almost everybody already knows that I am resigning from work. Paanong hindi malalaman, eh umiikot na pala yung clearance ko sa lahat ng department ng GMA simula nang natanggap ng HR ang approved and signed resignation letter ko.

Last day ko na sa Oct. 31, 2012. Medyo malapit na, I know. Sad konte, but mostly excited, if you ask me, not because I will be out of GMA, but because of the opportunities ahead of me.

Pero bago ako mag-share ng mga plano, kwento ko muna ang mga reaksyon ng mga tao sa opisina no'ng malaman nila ang mabuting balita ayon kay Arci Munoz (Aalis na ako eh. Pagbigyan na, please).

Medyo nakakatawa lang na in general, ang agad sa iniisip nila eh lilipat ako ng network, particularly sa TV5, siguro dahil trending yata ang paglipat ng mga kapuso sa kapatid. Sa isang banda, pwede ba yon? Lipat agad-agad? Eh diba meron kaming pinirmahang keme na hindi pwedeng magtrabaho sa direct competition in a year yata after mag-resign? Well, probably hindi na mag-aaksaya ng panahon, pagod at pera ang kumpanya para isa-isang idemanda ang mga kumabilang bakod. Si Ma'am Wilma nga, pagka-retire, biglang nasa Artista Academy.

Anyhow, hindi naman ako lilipat ng network. Gaya ng sinabi ko sa aking resignation letter, magbabalik-eskwela ako sa paparating na semestre. I am applying for admission to graduate studies. Huwat? Haha. Oo, kukuha ako ng master's degree. Kung anong program, saka ko na sasabihin. That's an entirely different story na sa susunod na blog post ko na lang siguro itsitsismis nang todo.

May mga hindi impressed o di kaya ay indifferent sa pagkuha ko ng master's, particularly managers. Kumita na lang daw ako ng pera kesa mag-aral pa, ganun din naman--which makes me think. Is this really gonna be worth it? Malaki rin kasi ang isa-sacrifice ko for this. Career versus education. Nandito na eh. Paninindigan ko na.

Pagod na rin naman ako sa ginagawa ko, and I don't think mapupunta ako sa gusto kong marating kung magtutuloy ako as production coordinator. Tsaka hindi na ako masaya, kaya feeling ko kailangan ko nang mag-resign. And I think yung pag-aaral ang pinakamagandang rason for doing it. Wala na silang panlaban to convince me to stay kasi alam nilang malaki talaga ang demands ng trabaho ko at mahirap isingit ang studies, lalo at puro primetime drama ang pinahawak sa akin. Meron lang akong feeling na sa ginawa kong ito, hindi na sila maghi-hire ng applicant that has plans to pursue graduate studies in the near future.

Masaya naman yung iba para sa akin, kasi finally magagawa ko ang gusto ko. I will be a step closer towards achieving my personal goals. Pero maraming nalungkot at nagulat kasi hindi nila inaasahang of all people at all of a sudden, eh ako yung naglakas-loob na umalis. Yun yung touching. Doon ko talaga nasukat na after all, naging mabait at mabuting katrabaho pala ako. Sana lang hindi nila ako pina-plastic. Haha.

Siguro hindi naman. Meron ngang nanlibre sa akin. Umorder daw ako ng dalawang malaking pizza. Ipakain ko raw sa office at siya ang bahala. You see, hindi ka naman basta-basta ililibre nang ganun kung hindi ka mabait. Ahihi. So order I did. Gulat sila sa office at nagpa-pizza ako. Lalo tuloy nag-sink in sa kanila na aalis na ako next week.

Sa ngayon, ang inaasikaso ko muna eh yung mga accountabilities na dapat kong ma-settle para sa aking inaamoy na pagkabangu-bangong clearance, na requirement para makuha ko ang medyo kailangan nang final pay, pantustos ko rin konte kapag nag-aaral na ako.

Three days na lang ang ipapasok ko pero hindi pa ako nakakapag-turn-over. Paano, eh walang may gusto ng show ko, particularly yung I****. Di ko maintindihan kung anong problema nila na marinig lang yung title eh akala mo mga bata silang pinapakain ng gulay. Katulad lang din naman iyon sa ibang drama programs. Minsan tuloy iniisip ko kung gano'n ba kami kagaling ni Ate Ola para kayanin 'yon. Parang level-level lang naman.

Kung tatanungin kung anong legacy ang iiwan ko sa office, duh, may maiiwan ba ang isang empleyadong higit isang taon lang nagtrabaho? If anything, siguro yung fact na lang na naging favorite tagasalo ako ng mga programang naiwan ng mga nag-resign o nag-maternity leave. Challenge kaya. Lagi ako ang uma-adapt sa sistemang meron sila. Sa 1 year and 2 months ko as PC, nag-handle ako ng 20 programs, at sa beinte na 'yon, isa lang ang nabuo ko mula pre-prod hanggang finale: Iglot, my very first show.

In retrospect (wow parang ang tagal na ah), siguro doon ako naging hindi masaya. Wala akong naging solid identity kasi walang show na talagang naging akin, add to that yung sumalo ako ng tatlong tao. Eh bilang hindi ako mareklamo in nature, nagulat na lang sila at bigla akong nagpasa ng love letter. Boom.

____

May balak ka rin bang mag-resign? O resigned na? Ano'ng idinahilan mo sa resignation letter? Share it with us through posting in the comments section below.

No comments:

Post a Comment