For our first activity, magsulat daw kami ng isang akdang nagpapakita ng sariling istilo't pulitika bilang isang manunulat.
Ayun. Game.
Langit in Rainbow Colors
Leodevino G. Lopez
Leodevino G. Lopez
Dati ko pa naririnig ang kwento tungkol sa
Kaharian ng Bahaghari. Ang tsismis, doon daw mapupunta ang kaluluwa ng mga
mababait na beki. At ngayon, finally, ay malalaman ko na ang katotohanan sa
likod ng chikang ito na nag-circulate sa text messages sa lupa bilang isang
joke.
Kamamatay ko pa lang two hours ago. Mainit-init
pa, lalo na ang ulo ko matapos makipagtalo kay kuyang ermengarde (guard) sa
pintuan ng langit. Bawal daw kasi ang bakla. Ay, warla talaga. Umapela pa akong
naging mabuting tao naman ako at marami pa akong pinautang na hindi na siningil.
Pero waley. Wit talaga pinajosok ang beauty ng lola niyo. Sayang. Andon na eh.
Abot tanaw ko na yung mga gwapong naglalaro ng basketball.
Anyway McArthur Hi-way, change location si yours
truly. Kakaloka. Sa lupa, pahirapan na sa pagpila at pag-enroll sa UP, pati ba
naman dito sa afterlife, extra challenge pa rin kung saang sulok ng walang
hanggan ako lulugar? Buti na lang, nakita ko ang isang malaking arkong kulay
bahaghari. Love at first sight. Naramdaman ko, syet, dizizit, dito ako belong.
Avisala, bati ko sa bantay na naka-pleated mini
skirt at in fairness, makinis ang legs.
Happy fiesta, sagot niyang may pang-cheer dance
na smile. Encantadia fan ka ha. Apir tayo diyan! At malugod niya akong
pinatuloy at ipinasyal sa Bekilandia, ang makulay na kahariang itinatag ng mga
beki para sa mga beki.
Ang sigla. Ang sigla-sigla. Kulang ang salita
para ilarawan ang paraisong iyon. Bilang globally-competitive ang mga bakla,
laging may ginaganap na contest—singing contest (halos Regine ang mga piyesa),
dance contest, at siyempre, beauty pageants. At dahil nag-uumapaw sa creativity
ang mga kapatid, madalas ding magkaroon ng fashion expo, painting exhibit,
songfest, at book launch. Para naman sa mga athletic type, merong rhythmic
gymnastics, at liga ng national sports ng mga bektas: volleyball!
Sobrang saya, parang langit din! Nasabi ko.
Hindi rin, eksena ni ateng bantay. Mas Masaya
dito kaysa sa heaven. Alam mo kung bakit?
Bakit?
Kasi—paliwanag niya—wala tayo doon.
Pagkatapos ay tinubuan siya ng transluscent na
pakpak, at lumutang. Pero bago niya ako tuluyang iwan, sabi niya, relax lang
beks, konting kembot na lang, iimbitahin na nila tayo. Iyon lang at lumipad na
siya papalayo.
___
Maikli? Pasensiya. 1 page lang daw kasi sabi. Nahirapan nga ako eh. Nakaka-tense pa dahil hindi ko alam kung anong klaseng manunulat pa yung mga kaklase ko. Bukambibig ko na yung lagi akong intimidated sa klase. Di bale, sa una lang naman ito siguro.
More to come. Ahihi. Don't forget to post your comments. Kahit daot, okay lang.
Apir! I love it! :)
ReplyDeleteApir!
ReplyDeleteNabitin akez. :p
ReplyDeleteAlam ko yan. Ako rin eh :p
ReplyDeleteMahusay! :)
ReplyDeleteSalamat! :)
ReplyDelete