Monday, April 2, 2012

The Ultimate Answer(?)

Masyado na yata kaming maraming sikreto. Laging on guard eh.


One Friday morning. Tanong ko kay Leody, "Uuwi ka ba?" Sabi niya, "Bakit?"

One time, boses ngongo si Myrna, with matching i'm-so-nanghihina-my-eyes-are-about-to-make-pikit-na-sobra. "May sakit ka?" Tanong kong ganyan. Siyempre to verify. Tapos nag-stop muna siya for one second, sabay "Bakit?"

On one mapayapang lunch, tinanong ko si Dikong, "Ikaw ba [ang] nagluto?" Ala game master, sasagot naman siya ng "Bakit?"

What the heck??

Wala naman ako sa korte. Wala rin ako sa The Bottomline with Boy Abunda. Pero kahit ano'ng itanong ko, lalo na kay mudang at pudra, ang lagi nilang sagot, "Bakit?"

Bakit nila ako sinasagot ng bakit? Hindi ko maintindihan, at ayoko rin namang intindihin yung idea na kailangan kong ipaliwanag kung bakit gusto kong malaman kung saan sila pupunta o ano'ng oras sila uuwi. Hindi ba understatement yung dahil gusto ko lang alam ko o kaya dahil nasa iisang bahay kami?

Hindi uuwi si Leody tonight, hindi rin bukas, o sa kasunod na bukas. Sa ibang lugar siya magpapalipas ng Semana Santa. Kung saan, hindi ko alam. Walang nakakaalam sa aming lahat sa bahay kung saan. Wala ring nagtanong. Eh pa'no nga, tatanungin pa, bakit. Isa pa, sakaling sagutin, hindi rin naman malinaw. "Diyan lang." "Basta." O kaya yung nakaka-pressure na "Bakit, sasama ka ba?"

Nakakangawit na nakaka-frustrate konte, dahil lumalabas na ang makukuha kong sagot eh depende sa paliwanag ko kung bakit gusto kong malaman. If they find it invalid, sorry, I will get a singko for my essay writing at wala akong mapipiga. Better luck na lang next time, kung may gana pa akong magtanong next time.

Masyado na yata kaming maraming sikreto. Laging on guard eh. Kaya mabuti na'ng hindi magtanong. Mabuti na'ng walang alam. Kaysa maglubid ng kwento, isyu pa 'pag nalaman ang totoo.

Anyway, nakapag-file naman na ng leave si Daddy (opisina??), at alam naman namin ang expected date of arrival niya. Puno na rin ang laman ng ref. Makuntento na.

Welcome to our humble home-slash-boarding house.

___
Sumasagot ka ba ng "Bakit?" sa nagtatanong sa'yo? Bakit? Bakit hindi? Ipaliwanag in no less than 500 words para hindi ma-invalidate ang essay mo.

No comments:

Post a Comment