Thursday, December 27, 2012

BA, KA, LA

Assignment namin kay Sir Eugene. Magsulat ng isang sanaysay minimum of 5 pages. Double spaces. Ang topic na na-approve sa mga ni-propose ko ay "homophobia." Haha. Given masyado.

Ang mga isinulat na sanaysay ay ginamit sa workshop ng klase. 



BA, KA, LA
Leodevino G. Lopez



Ang Masigawan sa Lansangan

Alas-dos na yata ng madaling araw noong minsang nakatayo ako sa may Malolos crossing para mag-abang ng jeep pauwing Meycauayan. Kahit mag-isa ako ay hindi naman ako nakaramdam ng karanasang pang-Philippine Ghost Stories, o baka pwede rin, kung papasang horror nga ang naranasan ko noong madaling araw na iyon.

Mabilis lang naman ang mga pangyayari. Nakatayo ako. Dumaan ang isang trak na puno ng mga lalaki sa likod. Ang tantya ko ay mga trabahador sa palengke. Mga nakangisi sila, nagkakasiyahan. Pagtapat sa akin ng trak, sabay-sabay silang naghiyawan.

"Baklaaaaaaaaaaaaaaa!"

Saturday, December 15, 2012

NASA. Nasaan?


Kahit gaano pa kabilis ang kakayahan ng technology para mag-compute, tae-tae pa rin minsan sa common sense.

O baka tayo ang walang common sense? #NASAnganamananoba

Monday, December 10, 2012

From Pacman to Pacshet

Wag ma-offend sa title. Artistic license lang para cool.

Gulat ba kayo na tumbalelong si Manny Pacquiao sa round 6? Na-flood kaya yung wall ko ng mga kemeng ganito:

...pero note muna: magko-comment ako. Ahihi. Blog ko ito eh.

Sunday, December 2, 2012

Isa. Dalawa.

Assignment namin kay Sir Eugene: gumawa ng isang dagli na naglalahad ng isang di malilimutang karanasan noong pagkabata na nagkaroon ng malaking epekto sa kung sino kami ngayon.



Isa. Dalawa.
Leodevino G. Lopez

May magic daw ang tuta naming si Maxi Boy sabi ng nanay ko. Nararamdaman daw niya kapag parating na ako galing eskwela. Hindi pa man ako nakikita, tatahol na siya’t paikut-ikot na mag-aabang sa gate ng bahay.