Today is Aug 03, 2012. It's a rainy day.
Lo-love life ako nang konti. Babalikan ko yung mga bagay na tinago ko na sa baul way way back, kasi ayoko na ng baul itself. Nakakasikip lang eh.
This pagbabalik-tanaw, I am doing for my own peace. Hindi na yata kasi maganda ang effect sa akin ng pagwa-wait in vain for love. Antagal na kasi. 7 years. Peg ko sana ang Crazy Little Thing Called Love kung saan naghintay si ate ng 9 years sa perslab niya. Kaya lang pelikula 'yon. Realidad naman na ito.
I know that in this process, baka bumalik yung dati kong lungkot, o tumaas lalo yung frustrations, pero parang ganito yung analogy: huling pagbabasa sa mga notes ko nung elementary bago gawing pamparikit ng kalan ni daddy sa pagluluto niya ng sinigang sa likod ng bahay namin.
So eto na. Ang simula ng mga simula. Ang genesis. Ang big bang theory.
At sana, ito na rin ang end of the world. Ang apocalypse. Ang Dec 21, 2012. Para tapos na. Tapos move on na.
Pero disclaimer lang. I won't go into super details. Kaya sakaling mahirap akong maintindihan, sorry.
Ok game.
He was a perfect gentleman.
...
...
...
Ganyan talaga ang bungad? Hahaha. Tingin niyo, mahal ko? Sige wag muna siya. Ako muna.
Simple at matitiman pa lamang ako noon. Dalawa lang ang gusto kong mangyari sa buhay ko nung college: una, ang maka-graduate on time at pangalawa, ang makakanta, makasayaw, makapagsulat, at makapagpapansin sa school while trying to acheive the first goal--para pambawi ko man lang since alam ko namang hindi ako magiging cum laude dahil nauso pa ang math sa mundo.
Sinalihan ko yata halos lahat ng pwede. Choir. Dance troupe. Dramatic guild. Student council. School paper. Tsaka basketball varsity. Joke lang yung huli.
Tapos isang araw, practice ng isa sa 84 organizations na kinarir ko, bigla siyang enter frame. May narinig pa yata akong love song na background music tsaka naging blur ang paligid tas siya lang yung malinaw. Tumabi sa akin. Ngumiti. In fairness, may itsura. At saka nagpakilala.
At that point, I finally realized, belong na talaga ako sa lgbt community. Haha. Nun lang pala. Charing. Echos marie.
Ayun nga. Na-inlove na ako. Pero di naman agad-agad. Siyempre crush ko muna siya, ganyan. Saka na lang lumalim tapos sumisid tapos di na nakaahon tapos nalunod. Maraming eksena muna bago yung this is it, pancit: mahal ko na amputa.
Gentleman nga kasi siya. Inalalayan ako sa hagdan, hinawakan sa pagtawid sa daan, pinagbukas ng pinto, and all. In short, tinuring niya akong matanda. Haha. Siyempre babae. Eh ang hina ko pa naman sa gentleman, bilang mababa lang naman talaga ang statistics ng mga lalaking magalang sa bakla.
Idagdag pa yung magaling siya mag-english, yung hindi english pulis kundi yung english with proper pronounciation and enunciation talaga ito. May teorya kasi ako na kapag ang pilipino eh maayos sa english, above average na agad ang IQ niya. Eh si kuyang gentleman pala ay national champion na sa public speaking. Lalo tuloy napigtas yung garter ng underwear ko.
Sa apat na taong pagsasama namin sa org, tinurin niya akong special. Hindi ito yung asyumera-lang-ako kasi marami namang nakapansin. Natsismis pa nga na kami. Tapos sabi niya lalayo raw muna siya. Tapos iniwasan ko siya. Tapos tinatanong niya bakit hindi ko siya pinapansin. Parang tanga. Di ko na alam saan ako lulugar.
Kasi nga, wala naman kaming naging malinaw na usapan ever. As in walang aminan ng feelings o kung ano man. Nagkasya kami sa pakiramdaman. Sa kapaan. Sa pinoy henyo na puro pwede, pwede ang sagot.
Natakot akong sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Ni-reject na niya kasi ako once, pero indirectly. Eh ang sakit-sakit ma-reject, sobra. Kaya naduwag na ako forever. Kaya hanggang ngayon, parang naka-hang lang ako sa idea ng what if kasi hindi ko pa nasasabi talaga.
7 years na akong naghihintay. Feeling ko kasi meron din naman siyang something para sakin. Kaso parang hindi lang siya sa akin may something. Recently nakikita ko na nagkikita pa rin sila. Minsan tanghali, minsan gabi. Anlakas makaselos. Anlakas maka-bitter.
Tapos napansin ko, parang hindi naman pantay. Parang ako na lang yung masyadong give tas wala gaanong receive. I have saved his a** a lot of times na. Dami ko nang pabor na binigay sa kanya. Pero pag turn ko na, pag ako naman, wala naman akong mapala. Puro siya babawi na lang ako keme, alam ko namang pautot niya lang yun. Wala naman siyang effort para bumawi. Dulcolax lang, pampagaan ng loob.
Note: hindi ko siya binigyan ng pera, o load, o sapatos, o motor. Importante lang na linawin ko 'yon.
Kaya I've been thinking. Probably it's about time. Hindi ko na paaabutin ng 9 years kasi sobrang OA na. I am letting him go. I am letting him be. These feelings i have in me, mabulok na lang sa loob ko. There are 3 things in this world that we can never take back. One of them, spoken words (yung other 2 i-google niyo na lang). Baka pagsisihan ko lang pag sinabi ko pa. Kaya wag na.
Hindi ko na panghahawakan o pagkukuhanan ng pag-asa ang pagbulong niya ng i miss you, ang paghawak niya sa kamay ko, yung pagkindat at flying kiss niya sakin nang palihim sa malayo kapag may practice kami. Deadma na. Ganon na lang yung mga yon, plain memories. Sige, good memories.
Kahit may feelings siya para sa akin--oo, nagka-feelings siya sa akin, i have my sources--eh hindi naman niya sinabi. Forever niyang alagaan ang image niya. Mag-asawa siya ng babae. Bumuo ng pamilya. Mabuhay nang normal. Bahala na siya. Kasi ako, ayoko na talaga.
Nakuha ko na lahat ng sign na kailangan ko. Hindi ko lang pinansin kasi inisip ko na malay ko, biglang isang araw paggising ko, nasa harap na siya ng gate ng bahay namin, may dalang bulaklak. Tapos hihingin ang permiso ng mga magulang ko.
Quota naman na siguro sa 7 years. Dahil 7 lang ang dwarfs ni snow white. 7 lang ang deadly sins. Ang archangels. Ang sacraments. Ang last words. Ang channel ng GMA kung saan ako kasalukuyang empleyado.
Pero kahit ganoon, salamat pa rin sa kanya. Nataon lang na tama na. Kasi silang lahat mga umandar na. Ako na lang ang nasa North Edsa. Sorry kung hindi ko na siya mahintay. Nangangawit na kasi ako, kaya sasakay na ako ng tren, kahit bumyahe ako mag-isa.
Happy friendship day. Itatago ko na ang luma kong sapatos.
---
Para sa 'yo, ang 7 years ay...
a. matagal
b. saglit lang
Comment below and share your views. 'Wag na yung mga safe na sagot na "depende kung enjoy ka keme-keme sa 7 years." I would like to know how you have been sa 7 years ng buhay mo at any point.
Wag kang umiyak.
ReplyDeletegusto mong iparating na natin ito kay vickey morales?
ReplyDeleteAng 7 years ay matagal. Pwera na lang kung ikaw ay Struldbrug. #nerdalert
ReplyDeletesaglit lang. chos!
ReplyDeleteAwww... Ang cute nito. Ang sarap basahin! :)
ReplyDeleteang 7 years ay matagal :(( haaay
ReplyDeleteTiwala lang.
ReplyDeleteoo, matagal cya, pero it's not the quantity eh.. it's the quality.. mukhang nagingmasaya ka naman sa 7 taong yun, so worth it na din..
ReplyDeleteJusko no. Matagal talaga ang 7 years. Ang sumagot ng saglit lang ay hindi tao. Hahaha. Hay.
ReplyDeletematagal ang 7 years. lalo na kung 7 years ka nagaaral sa college. haha!
ReplyDelete