Saturday, November 12, 2011

Usapang Lalaki

Walang kamalay-malay ang mga babae na pinag-uusapan na sila. Gano'n din pala ang usapang lalaki. Malandi.


"Boy ang ganda ni Pia kanina; nakasuot ng sapatos na mataas. Wedge ba yung tawag do'n? Basta ang ganda boy tang ina kaya lang 'di ko mapormahan eh. Magpapaganda nga muna ulit ako ng katawan."

Sa kapangyarihan ng tadhana at kapalaran combined, natagpuan ko ang sarili kong nasa back seat ng kotse, nakikinig sa usapan ng dalawang mga tunay na lalaki sa harapan. Kung paanong napansin ko ang kaibahan ng magkakaibigang dudes sa magkakaibigang sisters (kung saan ako mas exposed) ay ganoon ko ring na-realize na afterall, hindi rin sila halos magkaiba.

Thursday, November 10, 2011

For Departure

Imagine, may bakal sa loob ng katawan mo, hindi nakalagay ng maayos, tapos iipit sa laman mo pag sinwerte ka ng baling. Sarap. Kakangilo.


May bagong fashion statement si Madame. Transformers inspired.

With bakal-bakal all over the body--yan ang drama ngayon ng mahal na inang reyna as she submits to the government her petition to go abroad in hopes of undergoing sana a tetracycline-labeled bone biopsy. Yes, a tetracycline-labeled bone biopsy. Not just any other biopsy but the tetracycline-labeled bone biopsy. She said so in an article in Manila Standard Today (click here to read).

Attached in the petition were her photos wearing a 3-kilo collar brace on one and a minerva vest on the other. Tiis-ganda. 3 kilos talaga. Siya na ang non-Anlene drinker.

Sunday, November 6, 2011

Justice in Its Kakilabot Form

...ano ang feeling na yung taong sobrang kinasasamaan mo ng loob eh biglang kinuha ni Lord?


Deads ang daddy ni Charice dahil sa multiple stab wounds. Kapag naririnig ko ang "multiple stab wounds," naiisip ko kaagad si Direk Ricky Rivero na pinaglihi sa pusa at nanatiling buhay after saksakin ng 17 times. Pero self-defense lang daw eka ni suspect. Let me just make ulit. 17 times. Self-defense.